September 18, 2024

Home SPORTS

Carlos Yulo, nakatanggap ng 2M mula sa Manila LGU

Carlos Yulo, nakatanggap ng <b>₱</b>2M mula sa Manila LGU
MB photo by Arnold Quizol

"HERO'S WELCOME PARA SA ANAK NG MAYNILA"

Malugod na tinanggap ng Pamahalaang Lungsod ng Maynila si two-time Olympic gold medalist Carlos Yulo nitong Lunes, Agosto 19.

Ang pagtanggap kay Yulo ay pinangunahan nina Manila Mayor Honey Lacuna at Vice Mayor Yul Servo sa Manila City Hall.

Ibinigay na rin ng alkalde ang ₱2 milyong incentive bilang gantimpala sa pagbibigay karangalan sa bansa sa nagdaang Paris Olympics 2024. 

DepEd Sec. Angara na-starstruck kay EJ Obiena: 'We are proud of you!'

Samantala, pinirmahan na rin nina Lacuna at Servo ang isang resolusyon kung saan idideklara ang Agosto 4 bilang "Araw ni Carlos Yulo" sa Maynila.

BASAHIN: Manila Mayor Honey Lacuna, planong magdeklara ng 'Carlos Yulo Day'