October 07, 2024

Home FEATURES Human-Interest

Bride, diniborsyo ang groom tatlong minuto pagkatapos ng kasal nila

Bride, diniborsyo ang groom tatlong minuto pagkatapos ng kasal nila
Photo courtesy: Freepik

Sa usapin kung isusulong ba ang diborsyo at gagawing legal sa Pilipinas, muling lumutang ang isang balita patungkol sa isang bride na wala pang limang minutong ikinakasal ay nag-file na agad ng diborsyo sa kaniyang groom.

Sa ulat ng PEP na batay naman sa iba't ibang media outfit sa iba't ibang bansa, ang insidente ay nangyari sa bansang Kuwait noong 2019. Binansagan pa raw itong "the shortest marriage” at “fastest divorce case” sa iba't ibang media outlet na nagbalita nito.

DEKLARADO PERO NAUWI SA DIBORSYO

Katatapos lang daw ideklarang mag-asawa ang bride at groom sa pamamagitan ng civil wedding, at nang palabas na sila sa lugar, ay aksidenteng natapilok ang misis.

Human-Interest

Jeep pandagat na naimbento ng mekaniko, nagpamangha sa netizens

Narinig daw niyang sinabi ng kaniyang mister ang salitang "Stupid."

Naimbyerna raw ang misis at kaagad na bumalik sa loob ng courtroom, at nakiusap sa nagkasal sa kanilang hukom na ipawalang-bisa agad-agad ang kanilang kasal.

Ang matindi pa rito, pumayag naman ang hukom at agad na naglabas ng divorce decree tatlong minuto matapos silang ikasal.

Ayon sa mga ulat, tinatanggap sa bansang Kuwait ang pagpapa-diborsyo ng isang babae agad-agad, kahit pagkatapos pa ng seremonya ng kasal at naideklara na silang mag-asawa.

Mababasa sa website ng US Embassy in Kuwait ang tungkol sa tinatawag na “Shari’a” o “khali’a” na puwedeng pamilian ng mga babae sa Kuwait.

Binanggit nila, maaaring idiborsyo ng misis ang kaniyang mister "relatively quickly without having to establish grounds, if she agrees to relinquish her rights to her husband’s property and assets (but not custody of her children).”

Dito sa Pilipinas ay mainit pa ring pinag-uusapan ang panukalang-batas na gawing legal ang diborsyo, kagaya ng annulment at legal separation.