October 05, 2024

Home FEATURES Human-Interest

14 adorable fur babies na maghihintay ng kanilang ‘fur-ever home’ sa Agosto 17

14 adorable fur babies na maghihintay ng kanilang ‘fur-ever home’ sa Agosto 17
Photo: Animal Kingdom Foundation

Ikaw ba ay isang dog o cat lover na handa nang maging certified responsible fur parent? Kung oo, baka ikaw na ang “the one” na hinihintay ng adorable fur babies na magbibigay sa kanila ng “fur-ever home” at “fur-est love” na deserve ninyo pareho!    

Sa gaganaping “National Aspin Day” celebration sa Eastwood sa Sabado, Agosto 17, magsasagawa ang Animal Kingdom Foundation (AKF) ng adoption drive para sa ilang mga aso at pusa sa kanilang shelter.

Pero bago ang event, halina’t kilalanin na rito ang 14 adorable fur babies mula sa AKF na maghihintay ng kanilang forever homes sa darating na Sabado:

Norman, male 3 years old

Na-rescue ng AKF si Norman sa Makati City compound. Love daw niya ang tumakbo at maglaro kasama ang kaniyang playmates.

Human-Interest

Asong malungkot din sa pagkamatay ng fur dad, dumurog sa puso ng netizens

Mori, female, 1 year old

Na-rescue raw si Mori ng AKF sa Rizal, kung saan natagpuan siyang inabandona ng dati niyang fur parents. Siya raw ay isang happy active dog na nage-enjoy sa paglalaro at paglalakad kasama ang hoomans. 

Candy, female, 5 years old

Si Candy ay na-rescue ng AKF mula sa isang dog meat trade sa Candaba, Pampanga. Isa raw siyang  mexican hairless dog na palaging gusto ng cuddle at belly rub.

Percy, female, 4 years old

Na-rescue ng AKF si Percy mula sa isang dog meat trade sa Pandi, Bulacan. Hilig daw niya ang paglalakad at paliligo.

Nikky, male, 3 years old

Si Nikky ay na-rescue ng AKF sa Makati City pound. Hilig niya ang pagtakbo at nae-enjoy din niyang pinapaliguan siya.

Basti, male, 1 year old

Isang rescued dog si Basti ng AKF mula sa god meat trade sa Bangui, Ilocos Norte. Siya raw ay isang happy-go-lucky dog na gusto laging kasama ang kaniyang playmates at hoomans.

Cavy, male, 4 years old

Si Cavy ay isang stray dog sa Cavite na na-rescue ng AKF. Siya raw ay isang special tripod dog, at aktibo palagi sa paglalaro.

Riri, female, 4 months old

Na-rescue ng AKF si Riri sa Makati City pound. Nae-enjoy raw niya ang paglalakad at pakikipag-bonding sa hoomans.

River, male, 4 months old

Na-rescue ng AKF si River mula sa Makati City pound. Love niya ang tumakbo at maglaro kasama ang kaniyang playmates.

Raven, male, 4 months old

Si Raven ay isa rin rescued dog ng AKF mula sa Makati City pound. Siya raw ay isang cutie na shy type dog.

Roi, male, 4 months old

Nasa Makati City pound si Roi nang i-rescue ng AKF. Naka-highlight naman sa kaniyang personality ang kaniyang pagkagustong maka-bonding ang kaniyang hoomans.

Rogue, female, 4 months old

Si Rogue ay na-rescue rin ng AKF sa Makati City pound. Love niya ang pagtakbo at nae-enjoy niya rin ang sikat ng araw.

Bukod sa mga aso, mayroon ding dalawang cutie cats na up for adoption sa Sabado, ayon sa AKF. Ang mga ito ay sina: 

Riz, female, 6 months old

Si Riz ay na-rescue ng AKF mula sa University of the Philippines (UP) Balay. Siya raw ang type ng pusang medyo “shy” pero very “sweet” at “loving.”

Rio, male, 8 months old

Tulad ni Riz, na-rescue rin ng AKF si Roi sa UP Balay. Isa raw siyang sweet cat na gustong gusto palaging kasama ang hoomans.

Ayon sa AKF, lahat ng fur babies na nabanggit ay nakapon na. Bukod dito ay fully vaccinated at sila at na-deworm na rin.

Kung nais mong mag-adopt at bigyan ng forever home ang kahit isa sa fur babies sa shelter, nagbigay ang AKF ng instructions para sa proseso tungkol dito, tulad ng aplikasyon at ebalwasyon.

Bukod naman sa adoption drive ng AKF, marami pang fun activities ang isasagawa sa pagdiriwang ng National Aspin Day sa Eastwood sa Sabado, tulad ng educational talks at pet vaccination drive.

BASAHIN: 'National Aspin Day', ipagdiriwang sa Eastwood City sa Agosto 17