October 05, 2024

Home FEATURES Human-Interest

Mister na under sa kanyang misis, naglabas ng saloobin: 'Nahuli ko siya na may lalaki pero ako pa nag-sorry'

Mister na under sa kanyang misis, naglabas ng saloobin: 'Nahuli ko siya na may lalaki pero ako pa nag-sorry'
photos courtesy: UNSPLASH

Aminado naman ang mister na under siya sa kaniyang misis dahil mahal na mahal niya ito. At sa sobrang pagmamahal, siya pa raw ang nag-sorry kahit nahuli niya itong may ibang lalaki. 

Sa isang Facebook group, naglabas ng saloobin ang anonymous participant tungkol sa kaniyang misis. 

"Hello Good Morning. Under ako sa misis ko and mahal na mahal ko siya. Ako naglalaba, nagluluto, at naglilinis 'pag alam ko na busy siya sa gawa niya, katulad ng pag-aayos sa sarili niya at sa mga anak namin, and kaya ko naman silang buhayin, teacher nga pala ako ngayon," anang mister.

"Ganito 'yung nangyari, nahuli ko siyang may lalaki at ang ganda ng pag-uusap nila. Isang beses lang 'yun nakita ko sa message, hindi sa FB, kasi baka ayaw niya mahuli ko siya sa FB niya," kwento ng anonymous member.

Human-Interest

Asong malungkot din sa pagkamatay ng fur dad, dumurog sa puso ng netizens

Saad pa niya, "She's so very manipulative. 'Yung nahuhuli ko na siya na may lalaki tapos sa akin pa galit na galit. The end, ako pa nag-sorry ayaw ko kasi na maghiwalay kami ng misis ko. Ano pa bang kulang? Ginagawa ko naman lahat para sa kaniya."

"'Pag may sakit siya, ako nag-aalaga sa kaniya. Hindi ko alam kung super mabait ko lang talaga, kaya gano'n siya sa akin. Kahit inaaway, sinisigawan ako ng misis ko mahal na mahal ko 'yun. Gusto ko siya nakikitang masaya."

Sa huli, nanghingi ng tulong ang mister sa mga netizen kung ano ba ang gagawin niya.

Narito naman ang advice ng mga netizen sa kaniya:

"Respetuhin mo sarili mo. Di ka na nirerespeto nyang asawa mo. Alam nya di mo sya kayang iwan kaya nya ginawa yan. Unahin mo sarili mo at ang mga anak mo. Gaslighted kapa sa huli ikaw pa may kasalanan kase nagkulang ka. Iwan mo na yan para sa streets na eabab na yan. Pag pinatawad mo yan uulit at uulit yan. Mahirap sa umpisa pero kakayanin mo yan kesa ganyan. Siguro wala ka boundaries sa relasyon kaya sinagad nya ng sinagad yan hanggang umabot sa ganyan. Alisan mo na balik mo sa magulang nya. Isipin mo mga ginagawa nya ng lalake nya kadiri."

"reverse psychology mo. wag mo sya kausapin at asikasuhin. doon ka mag focus sa mga bata"

"Eto kasi yung mahirap eh. Ang problema kasi mas minahal mo ibang tao kesa sa sarili mo. Learn to love yourself before you love someone."

"Walang kulang sayo.. sadyang may mga tao lang na hndi marunong makuntento."

"Palayasin mo na .. isipin mo may edad na asawa mo imposibleng txt txt lang yan .. iniiputan kana sa ulo ikaw pa nag sosorry... Jusme asan respeto mo sa sarili mo??? Kapag masyado kang mabait kakawawain ka.. pakita mo sa kanya kung ano sinayang niya..."

"Kung nagka physical contact sila as in intercourse, then the relationship has ended. If through socials lang naman, landian ser, forgivable naman Pero distance yourself muna po. Been there, visit your parents po with the kids and let her be, don't include her kapag aalis kayo ng mga anak mo, maghahabol yan."

"mas masasaktan ka kung di mo bibitawan, ginaganyan ka kasi alam na dmo kaya iwan."

"mabait ka lang talaga and iniisip mo yung welfare ng family mo at asawa mo. may ganyan talaga na babae, alam nila kasi ang kahinaan mo. ganun din sa mga lalaki.. kaya wala lang. wala ako maipapayo, good luck! pakatatag ka.. kasi kahit sabihin sa iyo na hiwalayan mo, hindi mo magagwa.. super challenge yan sayo! kaya mo yan"

"need mo muna lumayo at mallaamn nya rin uNg halaga mo may mga bagay na dapat mong isakripisyo kahit nasasaktan ka. Pero bandang huli malalaman mo na tama ka ng ginawa."

"Hiwalayan mo na yan. Di na magbabago ganyang klaseng mga babae. Preserve your sanity. She will be the cause of your downfall. And in the end ipapasa lahat sayo ang sisi at igagaslight ka nyan."

SAMANTALA, may update ang anonymous participant sa kaniyang gagawin.

"Aalis muna kami ng mga anak ko do'n muna kami sa papa at mama ko, iiwan ko muna siya kung magbabago ba sya o hindi. Tama po kayo, dapat mahalin ko rin ang sarili ko at magtira para sa mga anak ko, final decision napo ito, hahaaan ko muna siya, Salamat mga ka-homes," anang mister.

---

Disclaimer: Bagama’t ang kuwentong ito ay inaako ng may-akda na mula umano sa tunay na pangyayari, hindi maaaring kumpirmahin o itanggi ng Balita ang katotohanan sa mga detalye at impormasyong nakasaad dito.