October 06, 2024

Home SHOWBIZ Pelikula

'How to Make Millions Before Grandma Dies', mapapanood na sa Netflix sa Setyembre

'How to Make Millions Before Grandma Dies', mapapanood na sa Netflix sa Setyembre
Photo courtesy: Netflix/FB

“This will make you cry a million different ways…”

Mapapanood na sa giant platform Netflix ang Thai movie na “How to Make Millions Before Grandma Dies” sa susunod na buwan!

Inanunsyo ito mismo ng Netflix sa pamamagitan ng isang Facebook post nitong Lunes, Agosto 12.

Ayon sa Netflix, unang mapapanood ang pelikula sa kanilang plataporma sa darating na Setyembre 12, 2024.

Pelikula

Sine Sindak 2024, muling maninindak ngayong Oktubre!

“I'm just preparing myself because I know this will make me cry a million different ways ,” anang Netflix sa kanilang post.

“How to Make Millions before Grandma Dies will premiere on Netflix this September 12,” dagdag nito.

Ang “How to Make Millions Before Grandma Dies” ay tungkol sa isang apo na inalagaan ang kaniyang may sakit na lola, sa pag-asang makapagmamana siya ng milyon-milyong salapi bago ito pumanaw.

Bukod sa pagiging box office hit sa Southeast Asia, nanalo ang pelikula ng “Audience Award” sa New York Asian Film Festival at “Best Film” sa Cambodia International Film Festival.