October 05, 2024

Home FEATURES Human-Interest

Ganado naman si BF sa sexy love nila: Post ng GF na tamad maligo, umani ng reaksiyon

Ganado naman si BF sa sexy love nila: Post ng GF na tamad maligo, umani ng reaksiyon
Photo courtesy: Freepik

Sa Pilipinas, normal at tipikal sa mga Pilipino ang maligo araw-araw; minsan nga, higit pa sa isa o dalawang beses sa isang araw dahil sa klima rito. Iyan daw ang isa sa mga nagugustuhan ng mga banyaga sa mga Noypi lalo na sa mga nasa ibang bansa, ang pagiging malinis sa katawan.

Pero kakaiba ang isang babaeng itinampok sa isang online community page na "LIFE SENSE PH" dahil hindi raw siya naliligo na umaabot ng ilang araw hanggang isang linggo.

Pinagsasabihan daw siya ng kaniyang boyfriend na alagaan naman ang sarili, pero ang ikinatataka ni Ate Girl, kapag nagla-"loving-loving" naman sila, sarap na sarap naman sa kaniya at hindi naman nagrereklamo.

"Babae po ako at sobrang tinatamad po talaga ako maligo almost 3-4days bago ako maligo kahit tabi kami minsan matulog ni bf eh parang normal na sa akin yun minsan nga umaabot pa ng 1week."

Human-Interest

Asong malungkot din sa pagkamatay ng fur dad, dumurog sa puso ng netizens

"Nagrereklamo sakin si bf sabi niya at wala naman daw akong ibang gagawin kundi alagaan sarili ko. Pero pag nagsesexy love kami di naman siya nagrereklamong mabaho o maasim ako."

"Nasa 22yrs old po pala ako, di ko alam sa sarili ko kung bakit ako tinatamad maligo, wala na nga akong trabaho puro bahay na nga lang tapos ganon pa," aniya.

Photo courtesy: Screenshot from LIFE SENSE PH (FB)

Bumaha naman ng payo para sa kaniya sa comment section.

"Kumbaga sa kamote ito yung lagkitan eh..."

"Hindi Ka tinatamad sadyang ganyan ka talaga.And tawag dyan balahura. Buti dika iniiwan ng bf mo. Dios mio marimar ung maghapon lang na dika maligo naalibad baran na tayo yan pang 2 to 3 days. Bilang babe Alam mo dapat yan Kong paano maging malinis lalo na may kinakasama k. Dapat parati tayong maayos at mabango para hindi nag hahanap ang mga asawa or bf natin."

"Natatawa na lang ako sau siswang grabe ka naman sis mawawalan ng gana sau ang bf mo yan ano kb naman ang bata bata mo pa ang tamad mo mahal ba ang sabon at shampoo at tubig grabe ngayon lng ako kababaeng tao tamad sa paliligo buti sana kung senior ka na eh."

"Swerte naman ng babae na 'to sobrang mahal ng bf."

"Ang mapapayo ko lang sayo sender ipagpatuloy mo lang yan kadugyutan mohanggat kaya pang tiisin ng bf mo ang amoy bagoongcgurado pag nakaamoy ng iba na mabango ang bf mo iyak ka later"

"Meron palang ganoon! Nakakahiya kaya yung maamoy ka na amoy bilasa lalo na kung sasabihan ka pa na maligo o maglinis at alagaan ang sarili. Katamaran na yata iyan!"

Ikaw, anong maipapayo mo sa anonymous sender?

-------------------------------------------------------------------------------------

Disclaimer: Bagama’t ang kuwentong ito ay inaako ng may-akda na mula sa tunay na pangyayari, hindi maaaring kumpirmahin o itanggi ng Balita ang katotohanan sa mga detalye at impormasyong nakasaad dito.