September 20, 2024

Home SHOWBIZ Musika at Kanta

Emosyunal na pagkanta ni Jose Mari Chan ng 'Christmas In Our Hearts,' ikinabahala ng netizens

Emosyunal na pagkanta ni Jose Mari Chan ng 'Christmas In Our Hearts,' ikinabahala ng netizens
Photo Courtesy: Screenshots from rodmagaru (TikTok)

Naghayag ng kani-kanilang pag-aalala ang mga netizen sa beteranong singer na si Jose Mari Chan matapos nilang matunghayan ang video nito na kumakanta ng “Christmas In Our Hearts.”

Sa ibinahagi kasing video ni “rodmagaru” sa kaniyang TikTok account kamakailan, makikitang emosyunal si JMC habang kinakanta ang iconic niyang awitin tuwing papalapit na ang Christmas season.

“Jose Mari Chan turns emotional while singing Christmas In Our Hearts at One Ayala during the Metrobank Special Surprise event in line for the holiday,” saad niya.

Dagdag pa niya: “This is the earliest appearance of Jose Mari Chan for the Christmas Season.”

Musika at Kanta

Andrew E, ibinuking ang sikreto kung bakit loyal sa kaniya ang buong Pilipinas

Tila hindi naman napigilan ng netizen na madala sa emosyong hatid ng kanta batay sa kanilang naging reaksiyon. Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

"bakit parang natakot ako sa reaction niya. hoping this is not a premonition of something bad "

"please take care of yourself sir jose mari chan. "

"Bat parang iba feeling ko. Kasi bakit naman sya magiging emotional, tagal na nya ginagawa huhu long live Mr Jose Mari Chan"

"sana bumalik ulit yung spirit ng christmas na ang bawat isa ay excited and dama ang pasko"

"Matanda na si Jose Mari Chan. Means matanda na din tayong batang 90’s. Ang bilis ng panahon ‍ Ganun lang pala lilipas ang panahon noh?"

"Nanood lang din ako pero naiyak din ako! The best talaga ang mga christmas songs ni Mr, Jose Marie Chan! "

"Lord pahabain niyo pa ho buhay ni JMC please"

"hes getting old...we all love u mr. jose mari chan!..wish to hear more of u in more years of us celebrating xmas..takecare po"

"Di naman to nakakaiyak pero bat naiiyak akoooo "

"Bakit iba dating ng video na ito? Naiiyak ako. Iba ung emotion at impact ng pagkanta nya kahit kinalakihan ko na. Bigla may fear emotion sabay sadness. "

Sa kasalukuyan, habang isinusulat ang artikulong ito, umabot na sa mahigit 169.8k likes, 4099 comments, 12.1k shares, at 1.2 million views ang nasabing video.