September 10, 2024

Home FEATURES Human-Interest

'Sad face' look sa before-and-after photos ng college graduate, kinaaliwan!

'Sad face' look sa before-and-after photos ng college graduate, kinaaliwan!
Courtesy: Pel

“Ok na po ako.”

Kinaaliwan sa social media ang kwelang post ni Pel, 26, mula sa Cavite tampok ang “sad face” look niya noong estudyante pa lamang at maging noong graduate na siya ng kolehiyo.

“After how many years naka-graduate din! Ok na po ako,” caption ni Pel sa kaniyang Facebook post.

Sa eksklusibong panayam ng Balita, ibinahagi ni Pel na nakuhanan ang naunang nag-viral niyang larawan noong estudyante pa siya ng Bachelor of Science in Radiologic Technology sa Holy Infant College noong 2018.

Human-Interest

Beking nakabuntis ng tibo, 'di apektado sa hanash ng ibang tao: 'Close ba tayo?'

“Trademark ko na kasi ‘yan na kapag nagpapa-picture, lagi akong nagpo-pose na malungkot tapos ipo-post ko,” ani Pel.

“‘Yang picture ko po na may hawak na stethoscope is after ng practicals namin sa school way back 2018 and pagod talaga ako and may hangover pa from the night before. ‘Di ko rin alam bakit pinapakinggan ko puso ko that time siguro, nag-zone out na lang rin ako noon. At that time pini-picturan na pala ako ng mga tropa ko from the other side ng room gamit din cellphone ko. So wala ako idea pa nun, nakita ko lang ‘yung pic na ‘yun sa phone ko pagkauwi ko so pinost ko siya for laughs sa facebook ko,” dagdag niya.

Hindi naman daw niya inasahang magva-viral ang nasabing post niya bilang estudyante noong 2018 at hanggang sa kasalukuyan ay naging laman ng memes sa social media.

Samantala, nang maka-graduate naman daw siya ng kolehiyo noon lamang Hulyo 27, 2024, naisip niyang i-recreate ang malungkot niyang larawan bilang estudyante dahil nakaramdam din daw siya ng lungkot na hindi pa niya alam ang gagawin niya sa “totoong mundo.”

“‘Yung graduation ko, ‘yun ‘yung parang best time na mag-sad pose kasi nga hindi ko na alam gagawin ko after grad. Parang walang nagbago, diploma lang ang meron hahaha,” saad ni Pel.

Habang sinusulat ito’y umani na ng mahigit 8,200 reactions, 107 comments, at 2,900 shares ang naturang post ni Pel.