September 13, 2024

Home FEATURES Human-Interest

'My parents never touched my money!' Post ng beauty queen-teacher, umani ng diskusyon

'My parents never touched my money!' Post ng beauty queen-teacher, umani ng diskusyon

Mainit na usapin ngayon ang isyu ng pagturing ng ilang mga magulang na "investment" ang kanilang mga anak sa kanilang pagtanda, at responsibilidad ng mga anak na suportahan at "ibalik" ang pagpapalaki ng mga magulang sa kanila kapag sila na ang kumakayod, kaya ang iba, nagiging breadwinner na ng kanilang pamilya, o paminsan pa nga, pati ng iba pang mga kamag-anak.

Lalong tumingkad ang ganitong usapin sa isyu ng girian nina two-time Olympics gold medalist Carlos Yulo at kaniyang inang si Angelica Yulo, matapos na ibunyag ni Caloy na ginalaw ng kaniyang ina ang mga natanggap na cash incentives noong World Championships 2022, nang hindi sinasabi sa kaniya.

MAKI-BALITA: Carlos nagsalita na sa hidwaan nila ng nanay niya; sariling pera, itinago raw sa kaniya?

Isang araw matapos ang rebelasyon ni Caloy sa TikTok, sa isang press conference naman na naganap nitong Miyerkules, Agosto 7, ay humingi ng tawad si Angelica sa anak pati na sa sambayanan dahil sa mga isyung pinagpiyestahan sa kanila, sa halip na ipinagdiriwang na lamang ang tagumpay ng anak sa Olympics.

Human-Interest

Perwisyo! Netizen gumanti sa kapitbahay na nagparada ng kotse sa harap ng bahay niya

MAKI-BALITA: 'Patawad anak!' Angelica Yulo, bukas ang pintuan kay Carlos para pag-usapan mga isyu

Kaya naman, relate-much ang mga netizen sa isang post na itinampok sa online community page na "Relationship Matters Ph" mula sa beauty queen-teacher na si Sheryl Jane O. Taguiam - Selda matapos niyang i-share na sa pamilya nila, hindi raw pinapakialaman ng kaniyang mga magulang ang mga nakukuha niyang pera mula sa kaniyang pinagpaguran, kagaya halimbawa ng cash prize sa panalo niya sa beauty pageants.

Kahit na ang mga magulang daw ang gumastos para sa kaniya sa pageant, hindi raw sila nag-obligang ibalik niya ang mga nagasta, tutal naman, malaki naman ang cash prize niya.

"Dito mo talaga makikita intention ng tunay na mabuting magulang," aniya.

"My biggest win in pageantry was Bb. Caloocan 2010, I won ₱100,000.00 as the Grand Winner, cold cash back then. My parents never touched my money, they even instructed me to deposit my winnings under my own name in BDO," salaysay ni Sheryl Jane o SJ.

Pero ang ginawa raw ni SJ, hinati niya ang natanggap na premyo: ang 30% ay ginawa niyang donasyon sa church construction nila sa Isabela, at ang 10% naman ay buong puso niyang ibinigay sa kaniyang ina.

Ang natitirang pera ay itinabi niya para daw sa susunod na sasali siya sa beauty contest ulit, may mahuhugot na siya at hindi na aasa pa sa mga magulang dahil nag-aaral pa siya noon sa National Teachers' College (NTC) sa Maynila.

Kaya malaki raw ang pasasalamat ni SJ dahil nagkaroon siya ng mga magulang na hindi "toxic," kahit daw ngayon na may sarili na siyang pamilya rin.

"I am proud that I have a great parents who always supported us even now that we’re already raising our own family,

sila pa ang nagbibigay sa amin at tumutulong sa mga apo without asking anything in return. Kaya sobrang prayers ko na

pahabain pa buhay nila at palakasin kasi gustong-gusto ko pa bumawi sa kanila. Great parents deserve all the best in the world."

TOXIC FILIPINO CULTURE: GAWING RETIREMENT PLAN ANG MGA ANAK

Saad pa ni SJ, natutuwa raw siya dahil karamihan sa kabataang Pilipino ngayon ay mulat na sa "toxic culture" ng pamilyang Pilipino, na ang mga anak ay ginagawang "retirement plan" ng mga magulang.

"Nakakatuwa ang mga Pinoy, woke na sa ganyang klaseng toxic family culture.. We’re resisting this generational toxicity and trauma of treating the children as a retirement plan or someone you gave birth to feed and provide for you later on..."

"Tipong nakadepende ang trato at malasakit ng magulang based sa sustentong natatanggap nila..."

Umani naman ng reaksiyon at komento mula sa mga netizen ang post ni SJ. May mga naka-relate, may mga sumang-ayon, may mga kumontra, at may na-trigger na magbahagi rin ng kanilang karanasan.

"Parents ko din hindi nangingielam sa earnings ko. Tinuturuan pa nila ako saan pede gamitin and isave properly. Super thankful kay mama and papa ko."

"Kaya talagang dapat pinag-uusapan siya para mas madami pang maging woke. "

"My parents also. Para saknila kinita mo yan then sayo yan. Ganerrn. I miss my dad who taught everything to me. Anyways, God bless you!"

"May mga anak kasi na kaligayahan din nila ang tumulong sa mga magulang at kamag-anak nila kaya huwag sana natin i-invalidate. Choice nila ang maging breadwinner, and I think, hindi naman toxicity kung masaya ka naman sa ginagawa mo, nagiging toxic lang kapag masyado na demanding ang mga magulang."

"By depending on our children as our retirement strategy, we hinder their chance to carve out their own bright future. Instead, let's empower them to follow their own dreams and ambitions. When we've raised them with love and guidance, they will likely return the care and respect we've given them, often surpassing our wildest expectations."

"mind your own business nlang. its a family matter. d tayo makialam just like we dont want others do the same if we have family issues... let them settle their problem on their own...."

"I am a parent also when my son stop from studying before he used to have work, but i never asked money from his salary.. I am only reminding him to save, save and save.."

“MY PARENTS NEVER TOUCHED MY MONEY (CASH... - Relationship Matters Ph | Facebook

MALAKI ANG PASASALAMAT SA MGA MAGULANG

Sa eksklusibong panayam ng Balita kay SJ, sinabi niyang gusto niyang parangalan at kilalanin ang mga magulang na nagturo sa kaniya ng magagandang values sa buhay. Aniya, malaki ang pasasalamat niya sa mga magulang dahil iginapang nila ang kanilang pag-aaral at binigyan sila ng maayos na pamumuhay.

May mga isinakripisyo rin ang mga magulang nila sa professional growth and development, lalo na ang kaniyang tatay na mapo-promote na sana, subalit piniling huwag na lang muna dahil hindi na makakaraket sa ibang institusyon. Ang nanay naman niya ay naglo-loan upang may magastos sa matrikula nilang magkakapatid.

"My father Dr. Andres Z. Taguiam is a retired University President of Nueva Vizcaya University and my mom is Helen O. Taguiam a retired DepEd Elementary Teacher. But during our younger years up to college days ordinary faculty pa noon ang Papa ko, he later on became Dean, Director and retired as University President."

"Nag-aaral pa kasi kami, hindi raw siya nagpapa-promote, according to him ang reason is hindi siya makakapag-part time sa iba-ibang university after his official time sa TUP, Manila. Kasi mas malaki kikitain niya sa multiple part-time teaching jobs niya. Kaya almost naka-graduate na kaming apat na magkakapatid bago lang siya nagpa-promote so he can provide for us."

"Mom ko naman ang naglo-loan maigapang lang talaga kami. I just want to highlight na hindi po kami mayaman. Pero dahil nagpursigi ang mga magulang ko at may maganda at tama po silang prinsipyo, napalaki po nila kami nang maayos."

Sa ngayon daw, tatlo na silang Licensed Professional Teachers, ang isang kapatid nila ay Registered Nurse, at ang isa naman ay graduate na ng Hotel and Restaurant Management. Sa ngayon, nasa Amerika si SJ at ang pamilya niya at doon nagpa-praktis ng pagiging guro.

"GREAT PARENTS DESERVE ALL THE BEST THINGS IN THE WORLD," aniya pa.