September 10, 2024

Home FEATURES Human-Interest

Kilalanin: Chloe San Jose, ang babaeng tumambling sa puso ni Golden Boy Carlos Yulo

Kilalanin: Chloe San Jose, ang babaeng tumambling sa puso ni Golden Boy Carlos Yulo
Photos courtesy: Chloe San Jose/IG

Loud and proud namang sinabi ni Chloe San Jose, ang girlfriend ni two-time Olympics gold medalist at Filipino pride gymnast Carlos Yulo, na siya ang nag-first move sa kaniyang jowa. 

Pero, sino nga ba si Chloe bukod sa pagiging girlfriend ni Caloy?

Si Chloe Anjeleigh San Jose ay ipinanganak noong 2002.

At present, isang content creator si Chloe. Umaabot na sa mahigit 830,000 ang followers niya sa Tiktok; mahigit 460,000 subscribers sa YouTube, at mahigit 104,000 followers sa Instagram--as of writing.

Human-Interest

Beking nakabuntis ng tibo, 'di apektado sa hanash ng ibang tao: 'Close ba tayo?'

Mostly ang content ni Chloe ay more on lifestyle, fashion, at travel. Bukod pa rito, may talent din siya sa pagkanta. 

RELATIONSHIP NILA NI CALOY

Dahil matunog ang pangalan ni Chloe ngayon, after manalo ni Caloy at dahil na rin sa mga controversy na sinabi ng mother ni Caloy tungkol sa kaniya, binalikan ng mga netizen ang lumang TikTok post niya tungkol sa una nilang pag-uusap ni Caloy sa isang social media account na "X" (Twitter pa noon) noong Abril 2020.

"First move is the key," mababasa sa caption ni Chloe.

2021 nang magsimula ang kanilang "long distance relationship" o LDR dahil nasa Australia si Chloe para sa kaniyang pag-aaral. Si Caloy naman, nasa Japan dahil sa kaniyang trainings, bukod pa sa iba't ibang mga kompetisyon na kaniyang sinasalihan.

Mayo 2022 nang i-hard launch na nila ang isa't isa matapos magtungong Vietnam si Chloe para magpakita ng all-out support sa jowa, na lalaban sa Southeast Asian Games.

 Kaya kung susumahin, nasa apat na taon na rin ang relasyon ng dalawa.

BASAHIN: Jowa ni Carlos Yulo, unang 'nagda-moves' sa kaniya

ISSUE SA PAGITAN NILA NI ANGELICA YULO

Nabanggit ni Angelica sa isang panayam na bukod sa usaping pera, isa sa mga hindi nila pinagkakasunduan ng anak ay dahil kay Chloe, na feeling daw ng madir ay inilalayo ang anak sa kanila.

MAKI-BALITA: Pasabog! Ermat ni Carlos Yulo, sinisisi ang jowa ng anak kaya nagkagalit sila??

Bilang buwelta sa sinabi ng kaniyang "future mother-in-law," nagpakawala ng isang makahulugang Facebook post si Chloe.

Aniya, "mother dear i'm gonna hold your hand when i say this... pero wait ka lang, tapusin lang po namin yung vault finals—paki-on na your comment section po ah, di yung nag dedelete ka pa + off com sec."

Ginaya rin niya ang kontrobersiyal umanong post ni Angelica na pumapabor sa nakalaban ni Carlos mula sa Japan na si Shinnosuke Oka na siyang nakasungkit ng gold medal habang pang-12 puwesto ang anak.

"japan pa din talaga.. lakas! but malakas din naman si Carlos Edriel Yulo, GOD IS WITH HIM," aniya.

MAKI-BALITA: Dahilan ng sigalot? Jowa ni Carlos Yulo, pinalagan ang 'future mother-in-law'

Dahil sa post na ito ni Chloe, halo-halo tuloy ang tingin ng netizens ukol sa kaniya. May mga nagpayo sa kaniyang kahit na anong ipukol daw sa kaniya ng ina ng kaniyang boyfriend ay huwag na lamang itong patulan, dahil "kabastusan" daw ito sa magiging biyenan niya sa hinaharap.

May mga nagsasabi namang tama lang ang ginagawa niya dahil nakakaladkad ang pangalan niya sa naging pahayag sa panayam ng ina ni Caloy.

Samantala, nagsalita na si Caloy tungkol sa mga sinabi ni Angelica tungkol kay Chloe.

Alam ni Carlos na una pa lamang ay hindi na bet ng ina ang jowa para sa kaniya, kaya hinuhusgahan nito ang pananamit at akto ng pagkilos.

Sinabi ni Carlos na may sariling income o pinagkakakitaan ang kasintahan kaya hindi raw totoong "huhuthutan" lang daw siya ng pera nito.

MAKI-BALITA: Carlos Yulo, pinabulaanan mga pahayag ng ina laban kay Chloe San Jose

Humingi naman ng tawad ang kaniyang ina matapos niyang punahin si Chloe.

Sa ginanap na press conference nitong Miyerkules, Agosto 7, sinabi ni Angelica ang dahilan kung bakit niya pinuna ang jowa ng anak.

“Ako ay isang ina na nasaktan dahil ang mabait na anak na pinalaki ko nang maayos at mabuting tao ay hindi na nakikinig sa mga paggabay ng magulang,” saad ni Angelica.

“Kung mali na naging mapagpuna ako sa nobya mo, humihingi ako ng patawad, dahil nanay lang ako na nag-aalala. Matanda ka na, kaya mo nang magdesisyon para sa sarili mo,” wika niya.

MAKI-BALITA: Angelica Yulo sa pagpuna sa jowa ng anak: 'Ina lang ako na nag-aalala'

ANYWAYS, 'Yun na nga. Sana ma-settle na nila kung anuman ang problema na meron sila.