September 19, 2024

Home FEATURES Human-Interest

SUMATOTAL: 5 mananaya sa lotto, nanalo nitong Hulyo 2024

SUMATOTAL: 5 mananaya sa lotto, nanalo nitong Hulyo 2024
MB FILE PHOTO

Umabot sa limang 'lone bettor' ang nanalo sa major lotto games ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) noong buwan ng Hulyo 2024.

Ang major lotto games ng PCSO ay ang Ultra Lotto 6/58, Grand Lotto 6/55, Super Lotto 6/49, Mega Lotto 6/45, at Lotto 6/42.

Ang pinakamalaking napanalunan nitong buwan ng Hulyo ay pumalo sa ₱157 milyon mula sa Super Lotto 6/49.

Sa ulat PCSO, napanalunan ng lone bettor mula sa Davao ang ₱157,395,155.60 premyo ng Super Lotto noong Hulyo 18. Nahulaan niya ang winning combination na 41-33-31-24-37-49.

Human-Interest

ALAMIN: Mga inisyatibo ng NCCA sa pagpapakilala ng kultura ng mga katutubo

BASAHIN: Davaoeño, wagi ng ₱157M sa Super Lotto!

Sa Lotto 6/42 naman. Nauwi ng lone bettor ₱27,450,306.20 nang matamaan ang mga winning numbers na 41-36-08-07-11-23 na binola noong Hulyo 9.

BASAHIN: Matapos maiuwi ang ₱27M: ₱49.5M lotto jackpot, pwede mapanalunan ngayong Hulyo 12

Noong Hulyo 20 naman, napanalunan ng isa pang lone bettor mula sa Cainta ang ₱12,725,157.60 na may winning numbers na 27-23-17-41-15-29.

BASAHIN: PCSO: ₱12.7M jackpot prize ng Lotto 6/42, nasolo ng Cainta bettor

Sa Mega Lotto 6/45, dalawa ang nanalo noong Hulyo.

Noong Hulyo 8, napanalunan ng lotto bettor mula sa Romblon ang ₱17,567,700.60 nang matamaan ang winning numbers na 36-25-19-37-07-11. 

BASAHIN: Lone bettor mula sa Romblon, wagi ng ₱17.5M lotto jackpot prize

At matapos ang isang linggo, Hulyo 15, may nanalo ng ₱9,698,926.80 dahil sa winning combination na 38-05-14-15-22-37. 

Samantala, walang nanalo sa Ultra Lotto 6/58 at Grand Lotto 6/55 no'ng buwan ng Hulyo 2024.

KAUGNAY NA BALITA: SUMATOTAL: 4 lotto bettors, nanalo nitong Hunyo 2024