September 10, 2024

Home BALITA National

PBBM, binati pagkapanalo ni Carlos Yulo: 'I'm confident that it will not be the last'

PBBM, binati pagkapanalo ni Carlos Yulo: 'I'm confident that it will not be the last'
Pangulong Bongbong Marcos (Facebook); Carlos Yulo (AP via MB)

Nagpaabot ng pagbati si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. para kay Filipino gymnast Carlos Yulo na nakapag-uwi ng gintong medalya sa Paris Olympics 2024.

Matatandaang nitong Sabado, Agosto 3, nang magbunyi ang mga Pilipino matapos masungkit ni Yulo ang kauna-unahang ginto sa 2024 Paris Olympics nang manguna siya sa floor exercise ng men's artistic gymnastics sa puntos na 15.000.

“We’ve witnessed history as Carlos Yulo clinched the Philippines’ first medal in artistic gymnastics at the ,” ani Marcos sa isang Facebook post.

Ayon pa sa pangulo, patuloy na nakasuporta ang buong bansa kay Yulo, at tiwala raw siyang hindi ito ang huling pagkakataon na magkakamit ang Pinoy gymnast ng gintong medalya.

National

VP Sara, nag-resign sa DepEd dahil kinuha raw nina Romualdez at Co ang budget ng ahensya

“I am confident that it will not be the last,” saad ni Marcos.

“Congratulations, Caloy! The entire country stands proud with you! ,” dagdag pa niya.