September 13, 2024

Home FEATURES Human-Interest

Pinakamatandang giant panda triplets sa mundo, nagdiwang ng 10th birthday

Pinakamatandang giant panda triplets sa mundo, nagdiwang ng 10th birthday
Courtesy: Guinness World Records/website

“Happy birthday, cutie pandas!”

Nagdiwang ng ika-10 kaarawan ang pinakamatandang giant panda triplets sa mundo na sina Meng Meng, Shuai Shuai at Ku Ku.

Sa ulat ng Guinness World Records (GWR), ipinagdiwang daw ng giant panda triplets ang kanilang kaarawan Hulyo 29, 2024 sa kanilang tahanan sa Chimelong Safari Park sa Guangzhou, China.

Hinandaan daw sila ng kanilang mga bisita ng cake na binubuo ng kanilang paboritong bamboo shoots, carrots, fruit chunks at honey water.

Human-Interest

Perwisyo! Netizen gumanti sa kapitbahay na nagparada ng kotse sa harap ng bahay niya

Ayon sa GWR, taong 2014 nang isilang sina Meng Meng, Shuai Shuai at Ku Ku, kung saan si Meng Meng, ang nag-iisang babae sa magkakapatid, ang naunang ipanganak.

“All three cubs were subsequently hand-reared in order to increase their chances of survival. Only four cases of giant panda triplet births have ever been recorded, and details of the first three are very sparse,” anang GWR.

Binanggit din ng GWR na kinumpirma ng China Conservation and Research Center for the Giant Panda na sina Meng Meng, Shuai Shuai at Ku Ku ang nananatiling nag-iisang surviving giant panda triplets sa mundo.

“The good news is that wild panda numbers are now rebounding after years of decline, and the International Union for Conservation of Nature has reclassified them as ‘vulnerable’ instead of ‘endangered’,” saad ng GWR.

Nasa 15 hanggang 20 taon ang average lifespan ng isang pandang ligaw, ayon sa GWR, at tumataas daw ito sa 30 taon kapag nakabihag.

Ang “oldest panda ever” daw ay isang babae na nagngangalang “Jia Jia,” na pumanaw noong 2016 sa edad na 38.