September 09, 2024

Home FEATURES Human-Interest

Mamahalin mo pa ba ang iyong jowa kung amoy-maasim ang singit niya?

Mamahalin mo pa ba ang iyong jowa kung amoy-maasim ang singit niya?

Naloka ang avid listeners ng DJ na si "Baby Toby" ng radio station na "Energy FM" matapos dumulog sa kaniya ang isang sender sa problema niya tungkol sa jowa.

Ayon sa babaeng sender na itinago sa pangalang "Tie," mahal naman daw niya ang boyfriend niya subalit hindi lang niya matagalan ang amoy nito.

Take note, ang amoy na tinutukoy niya ay hindi galing sa bibig o sa kilikili, kundi sa singit!

Kuwento pa, naka-ilang sabi at sita na raw siya sa jowa subalit hindi pa rin nito inaayos ang problema sa amoy sa singit.

Human-Interest

Beking nakabuntis ng tibo, 'di apektado sa hanash ng ibang tao: 'Close ba tayo?'

Mahal na mahal daw niya ang boyfriend pero ang punto niya, mag-effort naman daw sa katawan ang jowa at linis-linis din 'pag may time, lalo na raw kapag gustong-gusto nito ang pinapagawa sa kaniya tuwing gabi.

Para naman sa DJ, kung siya ang tatanungin, oo nga't mahal niya ang karelasyon subalit kailangang unti-unting mawala kung anuman ang hindi kanais-nais dito lalo na kung magagawan naman ng paraang pabanguhin. Dapat daw may kasamang "landi" pa rin. Why not daw sabayan sa pagligo? O kaya bilhan ng panibagong sabon ang jowa at ipagamit sa kaniya habang sabay na naliligo para hindi gaanong halata at ika-offend ang pag-aalis ng amoy bago ang bakbakan.

(21) SENDER: "MAHAL KO SIYA, PERO ANG ASIM NG SINGIT NIYA!" | TT IN THE MORNING - YouTube

Ikaw, anong maipapayo mo sa sender?