December 23, 2024

Home SHOWBIZ

Celia Rodriguez, bilib kay Coco Martin: 'He doesn't even know me in person'

Celia Rodriguez, bilib kay Coco Martin: 'He doesn't even know me in person'
Photo Courtesy: Coco Martin (IG), Screenshot from Ogie Diaz (YT)

Nagpahayag ng paghanga ang batikang aktres na si Celia Rodriguez kay “FPJ’s Batang Quiapo” lead star-director Coco Martin.

Sa latest episode ng vlog ni showbiz insider Ogie Diaz kamakailan, ikinuwento ni Celia ang minsan niyang paghingi ng tulong kay Coco para sa kaniyang kaibigan.

“I needed a help from him [Coco] for a friend, whose husband was dying. I don't know him. He knows me as Celia Rodriguez. She was crying all over the phone. 'My husband is dying lumabas naman siya sa 'Ang Probinsyano,'” pagbabahagi ni Celia. 

“So tinawagan ko si Coco. I asked the help of Lorna Tolentino […] Tinawagan ko si [Coco], ring nang ring, walang sumasagot. Tapos 11 o' clock nag-ring. 'Tita, I'm so sorry but I was in 'Batang Quiapo.' I am the director, I'm the actor.' Imagine asking for an apology,” wika niya.

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

Dugtong pa niya: “Sabi ko, 'it's okay, okay hijo I understand.' Sabi niya, 'Tita what can I do for you?' Sabi ko, 'it's not me.' Eh 'di ikinuwento ko. ... 'Ask her to give me the account number sa bangko, papadalhan ko ng pera.' And he did the following day nandoon sa bangko ng kaibigan ko. “

Kaya naman gano’n na lamang ang paghanga ni Celia sa aktor. Ang hiling nga niya, tularan pa sana ng iba pang mga nasa industriya si Coco dahil bihira ang mga katulad nito.