October 06, 2024

Home FEATURES Human-Interest

Pusang tinaga sa leeg na si Ziggy, tumawid na sa rainbow bridge

Pusang tinaga sa leeg na si Ziggy, tumawid na sa rainbow bridge
Courtesy: Stray Paradise/Facebook

Inanunsyo ng animal rescue organization na Stray Paradise ang malungkot na balitang tumawid na sa rainbow bridge ang na-rescue nilang pusang tinaga sa leeg na si Ziggy.

Matatandaang kamakailan lamang nang ma-rescue ng Stray Paradise si Ziggy at nanawagan ng tulong para sa operasyon at pagpapagamot nito.

BASAHIN: Pusa, tinaga sa leeg; Animal rescue organization, nananawagan ng tulong

Noon lamang namang Biyernes, Hulyo 26, nang ibahagi ng organisasyon sa pamamagitan ng Facebook post na natahi na ang sugat ni Ziggy sa leeg.

Human-Interest

Asong malungkot din sa pagkamatay ng fur dad, dumurog sa puso ng netizens

Samantala, sa kasamaang palad ay hindi raw nagtuloy-tuloy ang recovery ng pusa.

Sa eksklusibong panayam ng Balita, ibinahagi ng Stray Paradise na dalawang beses na nag-seizure si Ziggy hanggang sa hindi na raw ito nag-survive.

"Hindi na po nag-survive si Ziggy. Isang araw lang po ang nakalipas after ng operation niya, bumigay po siya. Dalawang beses po siya nag-seizure," anang Stray Paradise sa Balita.

Ibinahagi rin ng animal rescue organization ang nangyari sa kanilang Facebook post nitong Sabado, Hulyo 26.

“Hindi na po kinaya ni Ziggy.  It's so sad that Ziggy didn't even get to experience having a family.  Sabi namin Ziggy laban ikaw eh kasi diba hahanapan ka pa namin ng pamilya. Diba dapat ma-experience mo pa yung magandang buhay na deserve mo. Hindi mo naman hinintay na magawa namin yun sayo. It would have made a difference if he was rescued earlier," pagdadalamhati ng Stray Paradise.

Nagpahayag naman ng pasasalamat ang nonprofit organization sa lahat ng nagdasal, suporta at tumulong sa pag-rescue kay Ziggy.

“Thank you for giving  him a chance,” saad nito.

“You may have left this world, but your memories will live on forever. Run free across the rainbow bridge Ziggy. No more pain. Sumbong mo kay Papa God kung sino ang gumawa sayo niyan ,” minsahe rin ng Stray Paradise kay Ziggy.

Run Free, Ziggy!