September 19, 2024

Home SPORTS

Harold Alarcon, pumalag na may 'relasyon' kay Jude Bacalso

Harold Alarcon, pumalag na may 'relasyon' kay Jude Bacalso
Photo courtesy: Jude Bacalso (FB)

Inalmahan ni UP Fighting Maroons basketball player Harold Alarcon ang isang kumalat na Facebook post ni "Jude Bacalso," kung saan kabilang ang kaniyang larawan sa sinasabing "achievements" nito.

Jude Bacalso - Mga hampaslupa, bago ninyo ko husgahan ug i-hate... | Facebook

Ang nabanggit na Facebook account ay nakapangalan kay Jude, bagama't hindi sigurado kung siya ba talaga ang may-ari nito o ibang tao ang nasa likod nito.

Umingay ang pangalan ni Bacalso nang dahil sa isyu ng "pagpapatayo" niya sa isang lalaking waiter ng isang restaurant sa Cebu City, na aniya ay tinawag siyang "sir."

Carlos Yulo, sumilip sa live selling ng ina?

MAKI-BALITA: Transgender customer na nagpatayo sa waiter, tinadtad ng 'sir' at 'angkol'

Bagama't naglabas na ng public apology si Jude dahil sa mga hindi nagustuhan ang kaniyang ginawa, patuloy pa rin siyang nakatatanggap ng mga birada mula sa mga netizen.

MAKI-BALITA: Bacalso, nag-sorry sa isyu ng pagpapatayo sa waiter dahil tinawag siyang 'sir'

Ibinahagi ni Alarcon ang nabanggit na Facebook post at pasimpleng winalis ang ideyang may kaugnayan siya kay Jude. Tiniyak din niya ang kaniyang girlfriend na si Rona Mae Doromal, volleyball player ng Ateneo Blue Eagles na siya lang ang jowa niya.

"Roma Mae lang po jowa ko. Stop spreading wrong information. Thanks boss," caption ni Alarcon.

Harold Alarcon - Roma Mae lang po jowa ko. Stop spreading wrong... | Facebook

MAKI-BALITA: Bacalso, 'di raw nag-demand na tumayo ang waiter na tumawag ng 'sir' sa kaniya