October 06, 2024

Home FEATURES Human-Interest

'Nag-Bora ang buwaya?' Saltwater crocodile, namataan sa Boracay

'Nag-Bora ang buwaya?' Saltwater crocodile, namataan sa Boracay
Courtesy: Giorgio Villanueva

Isang buwaya ang bumulaga sa gitna ng mga alon sa isang dagat sa Boracay nitong Huwebes, Hulyo 25.

Makikita sa post ng Facebook user na si Giorgio Villanueva ang naturang buwaya na ni-rescue na ng Philippine Coast Guard (PCG).

Base sa ulat ng 24 Oras ng GMA News, natagpuan ang saltwater crocodile sa Sinagpa Beach sa Station 1 nitong Huwebes ng umaga.

Posible raw naligaw lamang ang buwaya dahil hindi naman ito native species sa Boracay.

Human-Interest

Asong malungkot din sa pagkamatay ng fur dad, dumurog sa puso ng netizens

Dakong 3:00 ng hapon naman umano nang masagip ng PCG ang buwaya at tinurn-over na sa Department of Environmental and Natural Resources (DENR) sa in Malay, Boracay.