September 22, 2024

Home BALITA National

Batanes, niyanig ng magnitude 4.3 na lindol

Batanes, niyanig ng magnitude 4.3 na lindol
Courtesy: Phivolcs/FB

Niyanig ng magnitude 4.3 na lindol ang probinsya ng Batanes nitong Biyernes ng umaga, Hulyo 26, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Sa tala ng Phivolcs, nangyari ang lindol na tectonic ang pinagmulan dakong 5:09 ng umaga.

Namataan ang epicenter nito 76 kilometro ang layo sa timog-kanluran ng Sabtang, Batanes, na may lalim na 15 kilometro.

Wala namang inaasahan ang Phivolcs na posibleng aftershocks o pinsala ng nasabing lindol.

National

Habagat, magpapaulan sa ilang bahagi ng bansa -- PAGASA