October 06, 2024

Home SHOWBIZ

Alden Richards, 'di suplado kahit pagod sa trabaho

Alden Richards, 'di suplado kahit pagod sa trabaho
Photo Courtesy: Alden Richards (FB)

Puring-puri na naman ng showbiz columnist na si Cristy Fermin si Asia’s Multimedia Star Alden Richards sa isang episode ng “Cristy Ferminute” kamakailan. 

Ayaw kasi kay Cristy, naiiba umano si Alden sa mga kapuwa nito artista na kahit mistulang pagod na sa trabaho ay hindi pa rin makuhang magsuplado sa tao.

“Bakit nga naman si Alden Richards halos wala nang pahinga, andami-dami niyang tinatrabaho pero ‘pag humaharap siya sa ating mga kababayan, parang wala naman siyang dinaramdam, iniinda? Napakabait pa rin,” saad ni Cristy.

“Nagkaroon na ng batayan tuloy na ‘Pagod ka? Bakit si Alden mas maraming trabaho magiliw sa amin lahat e bakit kayong mga iilan lang ang trabaho, walang trabho, ‘pag nakita mo, umaarte pa?’” sundot naman ng co-host niyang si Rommel Chika.

Teleserye

Buong produksiyon ng 'Batang Quiapo,' pina-drug test ni Coco

Matatandaang bukod sa historical drama ng GMA Network na “Pulang Araw,” tinatrabaho rin ni Alden ang sequel ng pelikula nila ni Kathryn Bernardo na “Hello, Love, Again.”

MAKI-BALITA: 'Tumataas balahibo ko!' Trailer ng 'Pulang Araw,' pinag-uusapan

MAKI-BALITA: Titulo ng bagong pelikula nina Kathryn, Alden pinangalanan na!