October 09, 2024

Home BALITA

Muntik maging kuwento: Lalaking di pala lumalangoy, nag-dive sa Recto underpass

Muntik maging kuwento: Lalaking di pala lumalangoy, nag-dive sa Recto underpass
Photo courtesy: Joyce Mati-ong (FB)

Viral ang Facebook post ng netizen na si Joyce Mati-ong matapos mapanood sa video ang isang lalaking biglang tumalon sa binahang Recto underpass sa Maynila, na dulot ng malakas na pag-ulang dala ng super bagyong Carina na sinamahan pa ng habagat.

"Yung nakalimutan mo na dika pala marunong lumangoy," caption ng uploader.

Joyce Mati-ong - Yung nakalimutan mo na dika pala marunong lumangoy | Facebook

Sa video, makikitang lakas-loob na tumalon ang isang lalaki sa maruming baha, subalit may isang nakapansing tila nalulunod na ito.

TINGNAN: Listahan ng mga nag-file sa pagkasenador at party-list sa huling araw

Walang atubiling tumalon na rin sa baha ang ilang lalaki para sagipin siya.

Mapalad na hindi nalunod ang lalaki at nailigtas.

Umani naman ito ng iba't ibang reaksiyon at komento mula sa netizens.

"Muntik kana maging kwento, pre. HAHAHAHAHAHAHA."

"Pasikat tapos kapag nalunod sisisihin mga rescuer na kesyo matatagal kumilos or Hindi kayo na rescue."

"Muntik ka ng masabihan ng napaka bait na tao pa nman nyan"

"Yabang at pasikat pa more, di naman pala marunong lumangoy jusme"

"At least na-try niya mag-dive sa baha hahahaha."

Samantala, pinuri naman ng mga netizen ang mga kaibigang sumagip sa kaniya.

"Sobrang solid ng tropa mo others may see the other story, but this is what I saw, they jumped for you, disregarding the risk they might also encounter, yet, they still dive and jumped for you solid niyooo po, I was just thinking, can someone jumped for me? Can someone risk their life just to save me? Sobrang swerte mo kuya."

"Pero salute ky kuya madaming tattoo"

"Nakakabilib yung mga tumalon para sumagip, halatang may malasakit sa kaibigan."

"Salute kay kuya unang tumalon di nag dalwang isip tumulong."

Habang isinusulat ang artikulong ito ay umabot na sa 29k reactions, 18k shares, at 2.1k comments ang nabanggit na post.