September 07, 2024

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Maine Mendoza, Arjo Atayde inintrigang hiwalay na!

Maine Mendoza, Arjo Atayde inintrigang hiwalay na!
Photo Courtesy: Maine Mendoza (FB)

Nakakaloka ang nasagap na kuwento ni showbiz insider Ogie Diaz tungkol sa celebrity couple na sina Arjo Atayde at Maine Mendoza.

Sa latest episode ng “Showbiz Updates” nitong Linggo, Hulyo 21, inispluk ng co-host ni Ogie na si Tita Jegs ang tungkol sa umano’y pagso-sorry ni Maine sa biyenan nitong si Sylvia Sanchez.

“May nagtsika sa akin na friend […] Sabi niya, mayro’n daw siyang nabasang tweet ni Maine na nag-sorry daw kay Sylvia Sanchez,” kuwento ni Tita Jegs. 

“Pero no’ng tiningnan niya ulit, wala na raw ‘yong tweet. Wala na raw ‘yong tweet na-delete na,” dugtong pa niya.

Tsika at Intriga

EKSKLUSIBO: Biological mom ni Chloe San Jose, pumalag na sa mga isyung kinasasangkutan!

Inusisa rin daw si Ogie tungkol sa naturang isyu kaya naman nakipag-ugnayan siya kay Sylvia at hiningi ang panig nito.

Pero ayon sa kaniya: “Ang sabi ni Ebyang [Sylvia]: ‘Kararating lang nila galing Bangkok kasama buong pamilya ni Maine. ‘Yan talaga hindi totoo. Masaya ang mag-asawa,’” saad niya.

Dagdag pa ng showbiz insider: “Binanggit ko nga kay Ebyang ‘yong tweet na na-delete. At sabi ni Ebyang: ‘Hindi, baka iba ‘yon.’”

Kaya apela niya ngayong nilinaw na ni Sylvia ang tungkol dito, huwag daw naman sanang paghiwalayin ang dalawa lalo pa’t kakakasal lang nila noong Hulyo 2023.

MAKI-BALITA: Maine Mendoza at Arjo Atayde, officially married na!