September 06, 2024

Home FEATURES Human-Interest

Pusa, tinaga sa leeg; Animal rescue organization, nananawagan ng tulong

Pusa, tinaga sa leeg; Animal rescue organization, nananawagan ng tulong
Courtesy: Stray Paradise/FB

“Please help Ziggy.”

Nananawagan ngayon ng tulong ang Stray Paradise, isang nonprofit organization sa Caloocan City, para sa pagpapagamot ng na-rescue nilang pusa na tinaga umano sa leeg.

Sa isang Facebook post nitong Sabado, Hulyo 20, ibinahagi ng Stray Paradise na mayroong nag-report sa kanila tungkol sa kalagayan ng pusang si “Ziggy” na may taga sa leeg.

Ibinahagi naman ng Stray Paradise sa eksklusibong panayam na Balita na sa Brgy. Manggahan sa Pasig City nila na-rescue si Ziggy at sa tingin daw ng mga tao doon ay isa siyang stray cat.

Human-Interest

Mga asteroid na bumabagsak sa mundo, pahiwatig ng suwerte o malas?

Ayon daw sa nag-report sa kanila, malaki ang taga sa leeg ni Ziggy kaya’t noong una ay natatakot ang mga taong galawin siya dahil baka lumala ang kalagayan nito.

“I thought patay na, pero nagalaw pa po ‘yung ulo niya. Wide po talaga ‘yung taga niya and malalim,” pagbabahagi ng nakakita kay Ziggy sa Stray Paradise.

Samantala, nito lamang ding Sabado ng gabi nang mag-update ang nonprofit organization sa pamamagitan ng isang Facebook post, kung saan ibinahagi nilang naidala na sa beterinaryo si Ziggy.

“Nasa vet na po si Ziggy, need niya po ng help para po sa kaniyang medical expenses,” panawagan ng Stray Paradise.

Para sa nais tumulong, maaari raw magpadala sa:“GCash: 09812033498 Ch**e

Maya: 09708215400”