September 06, 2024

Home FEATURES Human-Interest

Klosetang anak, windang matapos maka-chat sariling tatay sa gay dating app

Klosetang anak, windang matapos maka-chat sariling tatay sa gay dating app
Photo courtesy: Freepik/Appstore

Hindi lamang ang DJ na si "Gandang Kara" ang naloka sa ibinahagi ng isang anonymous listener na dumulog ng payo sa kaniyang problema, sa programa niya sa FM radio station na "Energy FM 106.7."

Ayon kay "James" na isang closet gay, hindi niya inakalang ang nahagip at naka-chat niya sa gay dating app na "Grindr" ay mismong tatay niya.

Kuwento niya, sinubukan daw niyang gumamit ng Grindr at naka-chat nga ang isang account na walang profile photo. Nang mag-send daw sa kaniya ng album ang nabanggit na ka-chat, nagulat siya na mga larawan ng tatay niya ang tumambad.

Agad daw niyang binlock ang account ng tatay niya.

Human-Interest

Mga asteroid na bumabagsak sa mundo, pahiwatig ng suwerte o malas?

Problema ngayon ni James, bukod sa only child siya at kloseta nga o hindi pa umaamin sa pamilya kung ano ang sexual preference niya, hindi niya alam kung dapat ba niyang komprontahin ang tatay niya kung bakit ito humahanap ng "kalandian" sa Grindr na ginagamit nga ng mga beks para humanap ng "hook-up," ka-date, o karelasyon.

Iniisip din ni James kung dapat ba niyang sabihin sa nanay niya ang natuklasan patungkol sa tatay niya.

Payo naman ni DJ Kara, although masasaktan daw ang nanay niya, kailangan daw sigurong sabihin ni James ang totoo patungkol sa ginagawa ng kaniyang tatay, lalo't usapin na ito ng "infidelity." Baka kailangan daw mag-step up ni James bilang anak para ma-address ang isyu at hindi pa malaman ng nanay niya ang tungkol sa tunay na sekswalidad ng asawa niya, sa ibang tao pa.

Facebook

Narito naman ang ilan sa mga reaksiyon at komento ng netizens sa comment section:

"Pinaka masakit to for the mother. I dont get it sa mga nag react ng haha."

"May kilala akong ganiyan. May asawa't anak na pero nasa gay dating app pa. Naghahanap lang ng trip."

"Minsan kasi, yung iba late bloomer na kung magladlad. Ngayon na lang nila nagagawa kasi marami nang apps at saka tanggap na yan sa ngayon."

"Kailangan din sigurong malaman ng nanay, kasi kung ang tatay ay nakakuha ng sakit dahil sa ginagawa niya, unfair sa misis niya."

Ikaw anong maipapayo mo kay James?