September 06, 2024

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Jane De Leon, nagsalita na sa real-score nila ni Rob Gomez

Jane De Leon, nagsalita na sa real-score nila ni Rob Gomez
Photo Courtesy: Jane De Leon (IG)

Nagbigay na ng pahayag si “Darna” star Jane De Leon tungkol sa real-score nila ni Kapuso actor Rob Gomez matapos nilang maispatang magkasama.

Sa panayam ng ABS-CBN News nitong Biyernes, Hulyo 19, itinanggi ni Jane na may relasyon sila ni Rob.

“Sadyang no’ng time na may na-upload ako—minsan na nga lang mag-upload sa Instagram, ano ba ‘yan!—nahagip ‘to si Rob. And then hindi namin alam na nagka-article na kami," saad ni Jane.

Dagdag pa niya: “So, I feel bad lang din kay Rob kasi nagso-sorry siya sa akin. Sabi niya sa akin: ‘Jane, nadamay ka pa.”

Tsika at Intriga

GMA writers, pinagbabawalan nang makipag-close sa mga artista?

Kaya naman nilinaw niya na wala raw talagang namamagitan sa kanila ng aktor. 

"So to set the record, Jane, walang namamagitan sa inyo?” tanong ni ABS-CBN resident showbiz forecaster Gretchen Fullido.

"Wala," sagot niya.

Gayunman, single and ready to mingle daw sa kasalukuyan si Jane.

Matatandaang sa naturang video na ibinahagi ni Jane ay matutunghayang magkasama silang kumakain ng Rob ng ramen sa Taiwan.

MAKI-BALITA: Rob Gomez at Jane De Leon, magkasamang kumain ng ramen sa Taiwan