October 06, 2024

Home SHOWBIZ Pelikula

Ryan Reynolds, pinayuhan si Cong para 'di maging 'terrible father'

Ryan Reynolds, pinayuhan si Cong para 'di maging 'terrible father'
Photo Courtesy: Screenshots from Donny Pangilinan (YT)

Tila napakaswerte nga naman talaga ng vlogger na si Lincoln Cortez Velasquez o mas kilala bilang “Cong” dahil nakatanggap siya ng payo mula kay Hollywood actor Ryan Reynolds.

Nabigyan kasi sila ni Kapamilya actor Donny Pangilinan  ng pagkakataong makapanayam si Ryan at ang kapuwa nito Hollywood actor na si  Hugh Jackman sa ginanap na Global Press Tour Fan Event sa Seoul, Korea para sa pelikulang “Deadpool and Wolverine” kamakailan.

Sa isang bahagi ng panayam, nabanggit ni Cong kay Ryan na siya ay newly-married man at may dalawang taong gulang na anak kaya humingi siya ng payo upang hindi maging “terrible father" tulad nito.

“I recently just got married and, me, myself, I have a 2-year-old son and I heard from you that you’re a terrible father, so any advice so I don’t end up like you?” tanong ni Cong.

Pelikula

Sine Sindak 2024, muling maninindak ngayong Oktubre!

Pero bago sagutin ni Ryan ang tanong, pabiro muna siyang humirit: “Michelle, Michelle, contain your client!”

“I think you just want to value and prize external accomplishments instead of bringing them home for yourself. Just try to stay away as much as possible,” pagpapatuloy niya.

“People made the mistake of being a good parent at the beginning but if you’re going to improve, if the expectations of the kids are so low,” dagdag ni Hugh na sinang-ayunan naman ng co-star nito.

Anyway, mapapanood na sa darating na Hulyo 24 sa mga sinehan sa bansa ang natatanging Marvel movie ngayong taon na “Deadpool and Wolverine.“

Matatandaang noong Pebrero inilabas ang official trailer ng nasabing pelikula kung saan matutunghayan ang pagdampot kay Deadpool ng mga opisyal ng Time Variance Authority (TVA) sa kaniyang mismong kaarawan.

MAKI-BALITA: Trailer ng Deadpool 3, inilabas na!