October 05, 2024

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Andrea Brillantes, wapakels sa mga pumupuna sa braso niya

Andrea Brillantes, wapakels sa mga pumupuna sa braso niya
Photo Courtesy: Andrea Brillantes (IG)

Naghayag ng reaksiyon ang Kapamilya star na si Andrea Brillantes tungkol sa mga taong pumupuna sa pagbabago ng braso niya.

Sa ulat ng ABS-CBN News nitong Huwebes, Hulyo 18, sinabi ni Andrea na totoong nabawasan siya ng timbang bagama’t hindi naman din niya itinanggi na may ipinagawa siya sa kaniyang braso.

"’Yung mga sinasabi nila na OA, it’s because I lost almost 20 pounds. Lumiit na siya because of what I did with Belo but I also lost a lot of weight. It’s not because nagiging sobra ako sa mga pinapagawa ko. I also lost a lot of weight overall,” saad ni Andrea.

"Sa mga nagko-comment about my arms? I really don't care. It’s crazy to think that other people think they have the authority or the right or their opinion matters to me. Everything that I do for my body is for me kasi pagkagising ko nakikita ko sa salamin nakikita ko is ako hindi naman si [random] username,” aniya.

Tsika at Intriga

Heart 'naiyak' dahil sa bagong glam team, anyare?

Dagdag pa ng aktres, malay umano siya sa mga komento ng tao tungkol sa braso niya pero hindi raw niya hinahayaang makapasok ang mga ito sa isip niya.

“Kasi ginagawa ko kung ano magpapasaya sa akin and I am really happy with my body right now. Gets ko sinasabi nila na hindi proportionate. Well, I can't control if God blessed me with 'blessing,'" wika pa niya.

Matatandaang nauna nang pag-usapan sa isang episode ng programa ni showbiz columnist Cristy Fermin ang tungkol sa umano’y pagpapa-liposuction ni Andrea.

MAKI-BALITA: Andrea Brillantes, hindi ikinahiya ang pagpapa-liposuction