January 15, 2025

Home FEATURES Human-Interest

Karpinterong nilibre ng lechong manok para sa birthday ng anak, kinaantigan

Karpinterong nilibre ng lechong manok para sa birthday ng anak, kinaantigan
Photo courtesy: Jacqueline Quibuyen (FB)

Naantig ang damdamin ng mga netizen sa Facebook post ng isang netizen matapos niyang ibahagi ang engkuwentro sa isang construction worker na bumili ng lechong manok sa kanilang puwesto.

Ayon kay Jacqueline Quibuyen, may-ari ng lechon manok business, bumili sa kanila ang isang karpintero ng isang buong lechong manok na nagkakahalagang ₱270.

Nagtanong daw ang karpintero kung wala na raw bang discount o bawas dahil halos kulang daw ang pambili niya, dahil ₱450 lamang daw ang suweldo niya sa kaniyang trabaho bilang construction worker. Naibahagi rin ng karpintero na birthday ng kaniyang anak, at ito raw ang hiling nitong handa.

Nang marinig daw ni Jacqueline ang kuwento ng karpintero, agad siyang nagbalot ng dalawang buong lechong manok at iniabot sa kaniya. Nang magbabayad na ang tatay, hindi na niya ito tinanggap. Laking tuwa raw ng tatay na karpintero sa biyayang natanggap niya, para sa anak na nagdiriwang ng kaarawan. Humingi umano ng permiso si Jacqueline na makuhanan ng larawan ang karpintero at i-post ito sa social media upang magpakalat ng good vibes at goodness.

Human-Interest

'National Rally for Peace,' extra income para sa ilang street vendors sa Maynila

Buong post ni Jacqueline:

Kanina while we are waiting ng costumer sa store may construction worker na nag tanong kung mag kano lechon manok namin, then i said 270 po tapos ang sabi niya wala napo bang bawas birthday po kasi ng anak ko nagrequest kasi siya kaya yan nalang sana ihahanda namin , kayalang halos isang araw kona sa trabaho ko yung presyo, then i asked him, Magkano po ba sahod niyo sir? 450 lang kasi isang araw ko sa pag lelabor sa construction. Ah ganon po ba ang sabi ko naman. Tinanong ko kung ilan? ang sagot niya ( kahit isa lang po) Dali daling sinupot ko yung dalawang manok sabay abot sa kanya tapos tinanong ko kung pwede ko ba siyang picturan. Tapos sabay abot niya ng bayad na worth 270 pesos sabi ko hayaan niyo napo tay wag niyo napong bayaran parang ang laking tuwa sakanya nung narinig niya yung sinabi ko..

Naimagine ko pano kaya yung ibang employee na sumahod lang ng minimum pano kaya nila napag kakasya yun sa mga expenses nila at sana sa mga katulad nating nag nenegosyo pag may ganyang costumer na bumili sa inyo kahit discount nalang ibigay niyo para lang kahit papano makatulong tayo.. Because Not everybody can Afford our Product..

Umani naman ito ng iba't ibang reaksiyon at komento mula sa mga netizen.

"Sana lahat ng ganyang may mabuting kalooban ay maging isntomento mg mga taong nagbu2lagan sakatotohanan na kays naman magbahagp pero ticom ang mga palad tularan ni yo c mis lectson manok bucilak ang puso bukas palad sa pagtulong saludo ko syo"

"Good work, ms Jacqueline. God will pay you back kahit di mo alam ang Kanyang kalooban. Ang naaawa sa mahirap ay nagpapautang sa Dios."

"Gid bless you mam,sana marami pa ang mga katulad mong negosyante na may puso,at marami ang mananalangin sau isa na ako doon and I pray that the blessing,grace and super natural favor of the Lord be upon you always and protect you frim all harm ,.amen"

"Sana lahat na tao may malaking puso tulad nyo Ma'am..God Bless po Maam"

Nagpasalamat naman si Jacqueline sa mga magagandang salitang natanggap niya dahil sa ginawa.

"Salamat po sa lahat ng naka appreciate sa post pa share po para marami pong makakita at gumawa ng tama sa kapwa," aniya.

Samantala, naka-pin post naman sa kaniyang Facebook account kung paano sila nagsimulang magtayo ng sariling lechong manok business.

Habang isinusulat ang artikulong ito ay umabot na sa 13k reactions, 485 shares, at 1.7k comments ang nabanggit na viral Facebook post.