September 14, 2024

Home SHOWBIZ Relasyon at Hiwalayan

John Estrada, nilinaw na wala siyang relasyon kay Lily Hallman

John Estrada, nilinaw na wala siyang relasyon kay Lily Hallman
Photo Courtesy: John Estrada (IG), Screenshot from TikTok

Nagbigay na ng pahayag ang “FPJ’s Batang Quiapo” star na si John Estrada kaugnay sa umaaligid na intriga sa kaniya kamakailan.

Sa latest Instagram story ni John nitong Martes, Hulyo 16, nilinaw ni John na wala raw siyang relasyon sa babaeng nali-link sa kaniya na si Lily Hallman.

“I want to make it clear that I am not in a relationship with Lily Hallman or any other woman for that matter. I just met her in Boracay. I had a short break from work and felt the need for a breather,” saad ni John.

“This is a private family matter that’s why I ask for privacy as we deal with this. Thank you!” aniya.

Relasyon at Hiwalayan

Dominic sa mga umiintriga sa pictures nila ni Kathryn: 'Mga toxic sa socmed!'

Bukod dito, binanggit din ng aktor na pareho raw nilang pinagdesisyunan ng misis niyang si Priscilla Meirelles na mag-take muna ng break sa kanilang relasyon.

Matatandaang nagsimulang pag-usapan ang pangalan ni John matapos pangalanan ni Priscilla ang babaeng kasama umano ng mister nito sa Boracay.

MAKI-BALITA: Babaeng 'kasama' raw ni John Estrada sa Boracay, pinangalanan ng misis