August 21, 2024

Home FEATURES Human-Interest

Pasahero ng rider na nagmukhang si 'Sadness' ng Inside Out, kinaaliwan

Pasahero ng rider na nagmukhang si 'Sadness' ng Inside Out, kinaaliwan

Kinaaliwan ng mga netizen ang viral Facebook post ng isang motorcycle taxi rider-content creator na si "Eret Misa" matapos niyang ibahagi ang kuhang video ng isang pasaherong nagkamali sa paglalagay ng blue hair net.

Makikitang sa halip na sa ulo inilagay ang nabanggit na blue hair net, inilagay ito ng babae sa kaniyang mukha.

"Maaaaammmmm

Bakit naman ganyann??? ," mababasa sa caption ng Facebook post.

Human-Interest

Estudyanteng naputulan ng paa dahil sa sakit, gustong magkaroon ng prosthetic leg

Tila natawa rin ang babae matapos itama ng rider na para ito sa ulo bago ilagay ang helmet. Ini-aalok talaga ito ng mga rider sa kanilang mga pasahero upang hindi magkahalo-halo ang pawis ng mga pasaherong gumagamit ng iisang helmet.

Umani naman ito ng iba't ibang reaksiyon at komento mula sa mga netizen. May mga nagsasabing mukhang scripted ito dahil naka-ready na ang camera ng rider.

"Feel ko scripted kasi pagkuha palang ni kuya sa hairnet tunawa na nang patago parang alam na nya gagawin nila. Sakin lang ha baka may eepal jan."

"Buti hindi napikon si ate kasi hinila mo pa braso niya..."

"Ay feeling ko scripted..."

"Nakakaloka parang naging si Sadness hahaha."

"Avatar? Haha."

"Sadness ikaw ba 'yan?"

Habang isinusulat ang artikulong ito ay umabot na sa 3.7M views ang nabanggit na video.