November 23, 2024

Home BALITA National

4.4-magnitude na lindol, tumama sa Davao Occidental

4.4-magnitude na lindol, tumama sa Davao Occidental
Courtesy: Phivolcs/FB

Isang magnitude 4.4 na lindol ang tumama sa probinsya ng Davao Occidental nitong Linggo ng madaling araw, Hulyo 14, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Sa ulat ng Phivolcs, nangyari ang lindol na tectonic ang pinagmulan dakong 12:12 ng madaling araw.

Namataan ang epicenter nito 123 kilometro ang layo sa timog-silangan ng Balut Island sa Sarangani, Davao Occidental, na may lalim na 21 kilometro.

Wala namang inaasahan ang Phivolcs na posibleng aftershocks ng lindol.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Hindi rin daw inaasahang magdudulot ng pinsala ang naturang pagyanig.