August 21, 2024

Home FEATURES Human-Interest

Pilyang mensahe sa likod ng larawang kupas, nagpalikot sa imahinasyon

Pilyang mensahe sa likod ng larawang kupas, nagpalikot sa imahinasyon
Photo courtesy: Lazshee (FB)

"Ano kayang isusubo?"

Iyan ang nagkakaisang tanong ng mga netizen sa kumakalat na lumang larawang kuha pa noong 1992, panahong wala pa raw text messaging, e-mail, o social media.

Makikita sa larawang ibinahagi ng isang Facebook page na "Lazshee" ang isang babaeng may malaking buka ng bibig habang kumakain ng pagkain sa plato; maipagpapalagay na siya ay nasa isang handaan.

Pero ang nakapukaw sa atensyon ng mga netizen ay ang nakasulat sa likod ng larawan. Mababasang ang petsa nito ay noon pang January 20, 1992.

Human-Interest

Estudyanteng naputulan ng paa dahil sa sakit, gustong magkaroon ng prosthetic leg

Batay sa mensahe, mukhang ipinadala ng babae sa kaniyang mister ang nabanggit na larawan at nilakipan ito ng note sa likod.

Mababasa, "Ito naman ang kuha ko habang kumakain ako, alam kong kukuhanan ako kaya nilakihan ko ang subo ko. Darling pag-uwi mo iba ang isusubo diyan. Ako na lang ang nakakaalam noon, ayos ba? I love you," saad dito.

Umani naman ito ng iba't ibang reaksiyon at komento mula sa netizens.

"Ay nakakaloka sa subo hahaha."

"Pinakitaan pa kung gaano kalaki ang subo niya hahaha."

"Ang hirap pla mag abroad dati.. mas matinding homesick ang kalaban."

"Lakas ni antehhhh hahaha."

Samantala, hindi naman natukoy kung sino ang orihinal na may-ari ng mga nabanggit na larawan.

Habang isinusulat ang artikulong ito ay patuloy itong nagba-viral. Umabot na ito sa 11k laugh reactions, 3.4k shares, at 415 comments.