Jumackpot ng mahigit ₱27.4 milyon ang lone bettor na tumaya sa E-Lotto. Siya ang pangatlong winner sa naturang lotto platform.
Nitong Huwebes ng gabi, Hulyo 11, napanalunan ng lone bettor ang ₱27,450,306.30 na premyo ng Lotto 6/42 nang mahulaan nito ang winning numbers na 41-36-08-07-11-23.
BASAHIN: Matapos maiuwi ang ₱27M: ₱49.5M lotto jackpot, pwede mapanalunan ngayong Hulyo 12
Matatandaang ang unang nanalo sa E-Lotto ay nakapag-uwi ng ₱698 milyong jackpot prize ng Grand Lotto 6/55 noong Enero 17.
BASAHIN: Nanalo ng ₱698M sa E-lotto tumaya
At ang pangalawa naman ay jumackpot na ₱150 milyong premyo ng Ultra Lotto 6/58 na binola noong Hunyo 21.
BASAHIN: Pangalawang E-Lotto winner, panalo ng ₱150 milyon!
Ang E-Lotto ay digital version ng tradisyunal na lottery games na ang layunin ay magkaloob ng ligtas, moderno at accessible gaming experience sa mga Pinoy.
Ang tanong, paano nga ba makukuha ng isang lucky winner ang kaniyang premyo kung sa E-Lotto siya tumaya?
BASAHIN DITO: Paano nga ba mag-claim ng premyo sa E-Lotto ng PCSO?