Inamin ni King Felipe VI sa pambihirang pagkakataon ang ginawang pang-aabuso ng Spain sa mga bansang kinolonya nila mula 1492 hanggang 1898.
Matatandaang hindi kailanman humingi ng dispensa ang Espanya sa mga bansang sinakop nila.
Sa pagbisita ng hari sa museo ng archaeology sa Madrid kamakailan, sinabi niyang bagama’t pagprotekta talaga ang intensyon umano ng Spanish colonial law, kabaligtaran ang nangyari na humantong sa kaso ng mga pang-aabuso.
Aniya, “When we study certain things under modern-day criteria, with our values, obviously, we can’t feel proud.”
“But we must learn from this, within its context, without too much moralizing. We must learn lessons through objective and rigorous analysis,” dugtong pa ni Felipe.
Isa ang Pilipinas sa mga bansang sinakop ng Spain sa loob ng 333 taon. Nagsimula ang pormal na kolonisasyon noong 1565 matapos itatag ni Miguel López de Legazpi ang paninirahan nila sa Cebu.
Tuluyan lang itong nagwakas pagpatak ng taong 1898.