April 13, 2026

Home FEATURES Human-Interest

Babae, umano'y nagpatay-patayan para makatakas sa ini-scam na pera sa pinagkakautangan

Babae, umano'y nagpatay-patayan para makatakas sa ini-scam na pera sa pinagkakautangan
Photo courtesy: via FTTM/FB

Viral ngayon sa social media ang isang babae sa Isabela na umano’y nagpanggap na patay upang makaiwas sa pananagutan matapos maakusahan ng panloloko sa pera.

Batay sa mga kumakalat na post sa isang online group, sinabi ng nagreklamo na ilang beses umano siyang nabiktima ng nasabing babae.

Ayon sa kaniyang pahayag, dalawang beses na silang nagharap sa barangay at may kasulatan pa umano na pirmado ng suspek, ngunit hindi pa rin nito tinupad ang kanilang napagkasunduan.

Sa gitna ng usapin, lalo pang umigting ang kontrobersiya nang kumalat ang mga larawan ng babae na tila nakahiga at walang malay, na pinalalabas na siya ay nasawi na.

Gayunman, may mga screenshot din ng pag-uusap na nagpapakita na aktibo pa umano ang babae sa pakikipag-chat kahit ipinapakalat na patay na ito.

Human-Interest

ALAMIN: Bakit naaapektuhan ng giyera sa Middle East ang presyo ng langis sa Pilipinas?

Mababasa sa post ng isang online group, "Baka po may nakakakilala sa kanya pa pm po ako nag papanggap na patay makatakass lang sa iniscam nyang pera 2x na po nag harap sa brgy. May kasulatan may pinirmahan po sya pero d po sya tumupad sa mga usapan."

Photo courtesy: via FTTM/FB

Photo courtesy: via FTTM/FB

Sa ilang mensahe, makikita rin ang pagbabanta ng nagreklamo na ipapakalat ang mga larawan ng babae kung hindi ito tutupad sa obligasyon. Samantala, iginiit naman ng kabilang panig na may kasunduan silang pagbabayad sa itinakdang petsa.

Dahil dito, maraming netizen ang nagduda sa umano’y pagpapanggap ng babae, at pinuna ang paggamit ng maling impormasyon upang takasan ang responsibilidad.

Dahil viral ito, nakarating na rin ang screenshots nito sa Facebook page na "Follow The Trend Movement" o FTTM.

"me kapag hinanap na ng spaylater:," mababasa sa caption nila.

Photo courtesy: Screenshot from FTTM/FB

Bukod dito, tila ginamit na rin ito sa advertisement ng isang sikat na motorcycle-hailing service app.

"me otw sa budget friendly transient cottages tent pitching adventure," mababasa sa caption ng kanilang meme-inspired advertisement.

Photo courtesy: Screenshots from Angkas/FB

Sa ngayon, wala pang opisyal na pahayag mula sa mga awtoridad kaugnay ng insidente, gayundin ang babaeng inirereklamo.