Sa gitna ng patuloy na pagsirit ng presyo ng produktong petrolyo, kasabay pa ang pagtaas ng pamasahe at ilang mga bilihin, kaya pa bang maka-survive?
Kuwela ang hatid ng netizen na si Anne Porter matapos niyang ibinahagi sa kaniyang Facebook post noong Lunes, Marso 16, ang aniya’y “alternative” niya para makapasok sa kaniyang trabaho.
Sa viral video kasi na ini-upload niya sa kaniyang social media account, mapapanood na sinubukan niyang gumamit ng roller skate para sana makatipid pero tila nangangapa pa siyang gamitin!
“POV: exploring alternatives to go to work in this economy,” saad ni Anne sa kaniyang video.
Photo courtesy: Anne Porter/FB
Umani ang naturang post ni Anne ng samu’t saring mga reaksiyon mula sa netizens.
“this made my day! kaloka hahahaha grabe tawa ko kahit ang dami kong problema! mga 50x ko na to pinanuod”
“pole dancing diretso”
“nakaiwas sa taas ng presyo ng gas tas nabalian.. hahaha . mamii!!”
“Nakapractice naba ang lahat?”
“Dapat bumili kadin nung bear para may hawakan ka”
“Nakarating kana Po ba?”
“Tingkayad ka po minsan panglakad ung dulo.”
“panindigan mo yarn”
“Pag bike nalang te”
“Pwde namn maglakad”
Habang isinusulat ang artikulong ito, umani na ang viral video ni Anne ng humigit-kumulang 224k reactions, 5.9k comments, at 49.8k shares.
Sa kaugnay na ulat, nag-viral din kamakailan ang isang video na tila “alternative” upang makatipid ang iilan sa pagkonsumo sa gas.
Sa nasabing video, makikita ang ilang mga kabayo na ginamit na pang-drive thru sa isang fast food chain sa Bukidnon.
MAKI-BALITA: ‘Tipid langis?’ Mga kabayo, ginamit pang-drive thru sa isang fast food chain!-Balita