Ang E-Lotto ay digital version ng tradisyunal na lottery games na ang layunin ay magkaloob ng ligtas, moderno at accessible gaming experience sa mga Pinoy.

Ang tanong, paano nga ba makukuha ng isang lucky winner ang kaniyang premyo kung sa E-Lotto siya tumaya?

National

Amihan, shear line, easterlies, patuloy na nakaaapekto sa PH

Ayon sa PCSO, puwedeng ma-cash out ang premyo sa pamamagitan ng E-Lotto Application kung ang premyo ay aabot lamang ng ₱300,000.00 pababa.

Pero kung ang premyo ay umabot sa ₱300,000.01 pataas, kailangan na itong i-claim sa PCSO Main office sa Mandaluyong City.

Kailangan lamang ipresenta ang QR code ng winning ticket at magdala ng dalawang valid IDs.

Samantala, kung nais mong tumaya sa E-lotto, maaaring ma-download ng E-Lotto app sa PCSO website na www.PCSO.gov.ph, at i-scan ang QR code.

Kailangan ding kompletuhin ang registration process.