September 18, 2024

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Janine Gutierrez, Jericho Rosales naispatang nagtukaan

Janine Gutierrez, Jericho Rosales naispatang nagtukaan
Photo Courtesy: Screenshots from Reddit, Dreamscape Entertainment (IG)

Kumakalat at pinag-uusapan ngayon sa iba’t ibang social media sites ang malabong video clip umano nina “Lavender Fields” stars Janine Gutierrez at Jericho Rosales.

Sa video clip na matatagpuan sa Reddit kamakailan, makikita ang tila sweet moments ng dalawa na hindi lang daw nagyakap at naghawak-kamay kundi naghalikan din umano.

Umani tuloy ng samu’t saring reaksiyon mula sa mga netizen ang naturang video. Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

"Sablay talaga choices ni girl sa lalake. Kaka divorce lang neto eh kaya i dont think ready na si echo sa commitment. Sinabi din niya yan sa interview niya na finding love is not his priority."

Tsika at Intriga

Mark Andrew Yulo, naniniwalang babalik sa kanila ang anak na si Carlos

"Parang mabilis ma-inlove si Janine sa katrabaho."

"Ang dali talaga ng buhay sa mga pogi. Hahaha"

"Mga desperada i-promote ang new show. I feel sorry for them that they had to do this"

"Di ki makita yung cuddling kissing part pa help namnnn timestamp pls"

"Wala rin ako nakita, holding hands lang haha"

"I still think it's a promo pero kung may nabubuong something between them talaga, edi good for them and adults na naman sila hehe kaso kasi to si Echo, daming paugong na nililigawan daw si ganito (kathryn and catriona) kaya sus talaga bigla yung kay janine lol"

Sa kasalukuyan, habang isinusulat ang artikulong ito, wala pang inilalabas na reaksiyon o pahayag sina Janine at Jericho tungkol sa naturang intriga.