August 26, 2024

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Dennis Trillo, nagsalita na matapos ma-hack ang TikTok account

Dennis Trillo, nagsalita na matapos ma-hack ang TikTok account
Photo Courtesy: Screenshot from GMA Integrated News (YT), ABS-CBN (FB)

Nagbigay na ng pahayag ang Kapuso Drama King na si Dennis Trillo matapos umanong ma-hack ang kaniyang TikTok account.

Matatandaang nagsimulang intrigahin si Dennis dahil sa sarkastikong tanong niya sa isang netizen kung “May ABS pa ba?”

MAKI-BALITA: Tanong ni Dennis Trillo kung 'May ABS pa ba?' dinagsa ng batikos

MAKI-BALITA: Nagawa nga bang pasaringan ni Dennis Trillo ang dating home network?

Tsika at Intriga

'Binabaan tuloy!' Tinawagan ni Willie sa Wil To Win, 'Family Feud' pinapanood

Sa panayam ng GMA Integrated News noong Biyernes, Hulyo 13, nilinaw ni Dennis na wala raw siyang masamang tinapay sa ABS-CBN.

“Wala po akong anything against ABS-CBN. Mataas po ang respeto ko sa kanila. Do’n po ako nanggaling. Siyempre ‘yong respeto importante sa ‘kin ‘yan kaya pinahahalagahan ko yan,” pahayag ni Dennis.

Dagdag pa niya: “Ako po ay hindi sasagot ng mga ganoong klaseng comments sa isang simpleng tanong kaya kong sagutin ‘yan nang with full respect, pero hindi sa ganoong manner.”

Kaya naman, ayaw daw magpaapekto ng aktor sa mga nababasa at naririnig niyang komento dahil wala naman daw katotohanan ang mga ito.

Pero bago pa man ito ay nauna nang nagsalita ang manager ni Dennis para depensahan ang aktor sa mga batikos at intrigang ibinabato sa kanilang alaga.

MAKI-BALITA: Dennis Trillo, dinepensahan ng manager kaugnay ng 'hacking incident'

Sa kasalukuyan, maayos na ulit ang TikTok ni Dennis. In fact, may bago na ulit siyang upload na video sa nasabing social media platform pagkatapos ng hacking incident.