December 23, 2024

Home BALITA National

VP Sara, 'di dapat pagbasehan Netflix ng kaniyang mga aksyon -- Camiguin solon

VP Sara, 'di dapat pagbasehan Netflix ng kaniyang mga aksyon -- Camiguin solon
Courtesy: VP Sara Duterte/FB

“She is still a public official…”

Iginiit ni Camiguin lone district Rep. Jurdin Jesus Romualdo na hindi dapat gawing basehan ni Vice President Sara Duterte ang Netflix para sa kaniyang mga aksyon matapos nitong sabihing itinalaga niya ang kaniyang sarili bilang “designated survivor” nang ianunsyong hindi siya dadalo sa State of the Nation Address (SONA).

Matatandaang nitong Huwebes, Hulyo 11, nang ianunsyo ng bise presidente na hindi siya dadalo sa SONA ni Marcos sa Batasang Pambansa Complex sa Quezon City sa Hulyo 22, 2024.

MAKI-BALITA: VP Sara, hindi dadalo sa SONA ni PBBM

National

PBBM admin, nagsisilbing ‘totoong kalamidad’ sa ‘Pinas – Maza

"Vice President Sara Duterte should be more cautious with what she says. After all, she is still a public official, and Netflix is not a good basis for her actions or inactions," pahayag ni Romualdo nitong Biyernes, Hulyo 12, na inulat ng Manila Bulletin.

Ayon pa sa mambabatas, matapos patungkulan ang Netflix thriller na umere mula 2016 hanggang 2019 ay tila pinalalabas umano ni Duterte na siya ang “survivor” kung sakaling magkakaroon ng hindi magandang pangyayari sa SONA.

"Does she have a premonition of the things to come? She should refrain from watching too much Netflix. Her joke could have been better handled given that all high-ranking officials of the land would be there," giit ni Romualdo. 

"In the decades worth of SONAs that we've had, nobody has ever flaunted being the 'designated survivor' and used it as the excuse to skip the important event. Proper decorum and tradition say that the Vice President should be there in plenary at Batasan to hear the good President's report to the nation. 

"This is among the political instances that take a backseat to transparency and unbridled communication with the public. Vice President Duterte's predecessors did this with no issue while in office. One would think that she would also strive to achieve that standard," saad pa niya.

Samantala, nagbigay rin ng reaksyon si House Speaker Martin Romualdez sa naturang pahayag ni Duterte.

MAKI-BALITA: Romualdez, nag-react sa anunsyo ni VP Sara na 'di dadalo sa SONA ni PBBM

Sinabi naman ni House Secretary-General Reginald Velasco na maglalaan pa rin ang House of Representatives ng upuan para sa bise presidente sakaling magbago ang isip nito at mapagdesisyunan ding dumalo sa SONA.

MAKI-BALITA: Kahit sinabing 'di dadalo: Kamara, maglalaan ng upuan para kay VP Sara sa SONA