August 23, 2024

Home FEATURES Trending

'Nag-asawa ka pa?' Misis na hindi pinagsaing ang mister, sinopla ng netizens

'Nag-asawa ka pa?' Misis na hindi pinagsaing ang mister, sinopla ng netizens

Sinopla ng netizens ang misis na nagsumbong sa isang online group na nag-away daw sila mag-asawa dahil wala raw sinaing no'ng umuwi mister niya.

Sa isang Facebook group, nag-post ang isang misis na para bang nagsusumbong dahil sa pinag-awayan nila ng mister niya.

"Nag-away kami ni mister. Nagalit siya kasi pagdating niya sa bahay, walang sinaing. 'Di manlang niya naisip na pagod din naman ako kakahintay sa kaniya maghapon. Tapos 'di manlang siya nagtanong kung kumain na ba ako. Ang sakit lang," saad ng misis.

Pero gayunman, hindi naman siya kinampihan ng netizens bagkus ay pinagsabihan pa siya. 

Trending

LIST: Restaurants na may pa-libreng foods kay Alice Guo kapag nakauwi ng PH

Nag-comment nga rin ang aktor na si Jason Abalos, "Nasa bahay ka pa? Kung ako lalayas na."

"Kung binigyan ka naman ng budget para sa food dapat nagsaing ka kc di lang sya ang kakain nun kundi dalawa kayo. May mga tao talaga mhie na hindi sweet masasaktan ka kung mag co compare ka. Asawa ko din di nag tatanong kaya ako nalang Ang nagtatanong sa kanya para hainan sya. Basta nagbibigay ng ihahain sa hapag, kesa sa naghahanap tapos Wala naman binibigay mas masakit un  mas nakakatampo at inis Ang ganun "

"Seryoso ka? Ako nga working pero nagagawa ko pa ring ipagluto ang asawa ko ng breakfast, baon nya for lunch tapos dinner eh. And di lang naman para sa kanya yung niluluto ko kundi para sa akin din. Laking tipid pa pag sa bahay lang nagluluto kesa bumili sa labas. Unless pagod na pagod ako that’s the time na bibili na lang ako sa labas ng kakainin namin. In short, di ko hinahayaang uuwing walang makakain ang asawa ko."

"Nag-asawa ka pa te???? kakabugnot ka mhieeee."

"Hahaha nakakapagod tlga mag intay tipong wala kang ginagawa pero pag sasaing lng madali lng nmn gawin un sana since nasa bahay ka kung wala ka naman sandamakmak na ginagawa alaga bata household chores ikaw nlng magkuha nagwowork naman husband mo hindi nmn pag uwe nyang lasing or galing tambayan."

"Di ko alam kung matatawa ako o maiinis ako e. Kurutin ko singit mo ih"

"Lamo sarap dagdagan yang sakit na nararamdaman mo"

"Juskopo ate pinost mo pa  nalaman pa namin na tamad ka "

"Sa pag aantay mo sa kanya di ka nag saing? Luh ... Ok lang yan.. kasalanan kase ng Mister mo yan.. kase nasa Labas sya.. aba trabaho sya ng trabaho tapos ikaw pa mag sasaing?? Nako mali ang Mister mo kase dapat di nalang sya mag work .. MAG SAING NALANG SYA... Hayss.. kawawa ka nman sa Mister mo..PAMIGAY MO NLANH MISTER MO PARA MAKAWALA NA SAYO.. DOON NLANG MISTER MO SA MAS AALAGAAN SYA NG TUNAY."

"Nakatuwad ka ba maghintay at di ka nakapagsaing mi?"

"Naaasar ako sa'yo te, pakilabhan nga to mga labahin ko, tapos mag-linis ka na din at mag-prepare ng dinner."

"Saglit lang magsaing. Dikadin ba kakain pwedeng bonding nyu nadin mag asawa yan ang sabay kayung kakain pagdating niya galing work.."

"YUNG NAKAHIGA KA LANG HABANG NAGCCP KA KUNG NAGSAING KA NARIN HABANG NAGHIHINTAY ‍ JUSKO ATE DAIG KPA NG GRADE 4 KONG ANAK "

---------------------------------------------------

Disclaimer: Bagama’t ang post na ito ay inaako ng may-akda na mula umano sa tunay na pangyayari, hindi maaaring kumpirmahin o itanggi ng Balita ang katotohanan sa mga detalye at impormasyong nakasaad dito.