August 26, 2024

Home SHOWBIZ

Sampal sa 'hacker' ni Dennis? Kapamilya broadcasters, sinagot kung 'May ABS pa ba?'

Sampal sa 'hacker' ni Dennis? Kapamilya broadcasters, sinagot kung 'May ABS pa ba?'
Photo courtesy: GMA Integrated News (FB)/Screenshot from Dennis Trillo (TikTok)/Screenshot from ABS-CBN News (X) via Richard de Leon

Sinagot ng mga miyembro ng ABS-CBN News and Current Affairs ang nag-viral na pasaring na tanong ng umano'y hacker ni Kapuso star Dennis Trillo na kung "May ABS pa ba?"

Magmula kay Kabayan Noli De Castro hanggang kay MJ Felipe, pati na ang kanilang ABS-CBN news correspondents sa iba't ibang regional, local, at abroad (The Filipino Channel), isa-isa nilang sinagot kung saan mapapanood ang iba't ibang news and current affairs programs nila sa iba't ibang free TV channels, cable channels, at social media platforms.

Ginamit naman ng ABS-CBN News ang caption na "May ABS pa ba?" na mula sa pinag-usapang komento raw ni Dennis sa isang fan na nagtanong sa kaniya sa comment section ng isang TikTok post, kung bakit wala ang misis na si Jennylyn Mercado sa latest GMA Station ID, at kung lilipat na ito ng network.

"May ABS pa ba?"

Bea Borres, may tampo sa Diyos

"Anumang hamon o panahon, sa gitna ng maraming pagbabago, nandito ang ABS-CBN News—patuloy na magpapatrol para sa inyo," mababasa sa caption.

Photo courtesy: ABS-CBN News (X)

Matatandaang ang "May ABS pa ba?" ay mababasang komento ni Dennis sa nabanggit na netizen.

Bukod dito, may mga sagot pa siya sa mga netizen patungkol sa nauna nang pasaring.

Later on, biglang nabura ang lahat ng mga komentong ito, at nag-off ng comment section si Dennis.

Naglabas naman agad ng opisyal na pahayag ang talent management na kinabibilangan ni Dennis, at sinabing na-hack ang TikTok account ng aktor.

Sinusugan naman ito ng mismong may-ari ng talent agency at tumatayong general manager nina Dennis, Jennylyn, at iba pang artists dito na si Becky Aguila.

Aniya, wala raw sa personalidad ni Dennis na magbitiw ng mga insensitive comments laban sa ibang tao, lalo na sa kompanyang naging unang home network nito, bago lumundag sa Kapuso Network.

MAKI-BALITA: Dennis Trillo, dinepensahan ng manager kaugnay ng 'hacking incident'

MAKI-BALITA: Nagawa nga bang pasaringan ni Dennis Trillo ang dating home network?

MAKI-BALITA: Tanong ni Dennis Trillo kung 'May ABS pa ba?' dinagsa ng batikos