December 23, 2024

Home BALITA National

ITCZ, patuloy na umiiral sa malaking bahagi ng bansa -- PAGASA

ITCZ, patuloy na umiiral sa malaking bahagi ng bansa -- PAGASA
Courtesy: PAGASA/website

Nagpapatuloy pa rin ang pag-iral ng Intertropical Convergence Zone (ITCZ) sa malaking bahagi ng bansa, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) nitong Huwebes, Hulyo 11.

Sa tala ng PAGASA kaninang 4:00 ng umaga, inaasahang magdudulot ang ITCZ ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorms sa Palawan, Occidental Mindoro, Western Visayas, Zamboanga Peninsula, BARMM, SOCCSKSARGEN, Misamis Occidental, Lanao del Norte, at Davao Occidental.

Pinag-iingat ang mga residente sa mga nasabing lugar sa posibleng pagbaha o kaya nama’y pagguho ng lupa tuwing magkakaroon ng malalakas na pag-ulan.

Samantala, malaki rin ang tsansang magdulot ang ITCZ ng medyo maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may kasamang pulo-pulong pag-ulan o thunderstorms sa Bicol Region, at mga natitirang bahagi ng MIMAROPA, Visayas, at Mindanao.

National

PNP, nakasamsam ng tinatayang <b>₱20B halaga ng ilegal na droga sa buong 2024</b>

Medyo maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may pulo-pulong mga pag-ulan o thunderstorms din naman ang inaasahang mararanasan sa Metro Manila at mga natitirang bahagi ng Luzon dahil sa localized thunderstorms.

Posible rin ang mga pagbaha o pagguho ng lupa sa mga nasabing lugar tuwing magkakaroon ng malalakas na thunderstorms, ayon sa weather bureau.

Sa kasalukuyan ay wala namang namamataan ang PAGASA na bagyo o low pressure area (LPA) sa loob man o labas ng Philippine area of responsibility (PAR).