September 19, 2024

Home SHOWBIZ

Jessy Mendiola, nag-react sa mga gumagambala kay Rico Yan

Jessy Mendiola, nag-react sa mga gumagambala kay Rico Yan
Photo Courtesy: Jessy Mendiola (IG), via MB

Nagbigay ng reaksiyon ang Kapamilya actress na si Jessy Mendiola sa mga gumagambala sa namayapang matinee idol na si Rico Yan.

Sa Instagram story ni Jessy nitong Martes, Hulyo 9, umapela siya sa publiko na bigyan ng respeto si Rico at ang pamilya nito.

“Wala na ba magawang matino ang mga social media addicts? Konting respeto naman sa namayapa na at pati na rin sa pamilya ng [yumao],” saad ni Jessy.

Dagdag pa ng aktres: “Susme. Lahat na lang ba para sa likes, followers and views? Nakalimutan na yata ng mga tao ang salitang ‘respeto.’ Wala nang decency.” 

Tsika at Intriga

Doc Willie Ong, napatawad na ba mga bagets na nam-bash sa kaniya noon?

Matatandaang nag-trending ang pangalan ni Rico sa X kamakailan dahil na rin sa panawagan ng ilang netizens na patahimikin na ang kaluluwa ng aktor.

MAKI-BALITA: Patay na patay sa patay? Rico Yan kino-content, patahimikin na raw

Bukod kasi sa lantarang paghahayag ng ibang netizens ng paghanga sa aktor, may ilang dumadalaw rin sa puntod nito na tila ba sila ay kamag-anak ni Rico.

MAKI-BALITA: Puntod ni Rico Yan, ginawang tourist spot