October 04, 2024

Home FEATURES

Globe nanawagan sa mga customer para suportahan ang patas na paggamit ng network

Globe nanawagan sa mga customer para suportahan ang patas na paggamit ng network

Nananawagan ang Globe sa mga customer na suportahan ang patas na paggamit ng network o fair network use para mapanatili ang kalidad ng network service para sa lahat.

Habang patuloy ang pagsisikap ng kumpanya na palawakin at pahusayin ang network coverage sa buong bansa, naaapektuhan naman ng mga hindi awtorisadong signal repeater ang kalidad ng network service.

Ang maling paggamit ng signal boosters ay nagiging sanhi ng putol-putol na tawag, malabong linya, robotic voice, at paghina o pagkawala ng signal sa mga lugar na malapit sa mga device na ito.

"Naiintindihan namin ang mga hamon sa network na nararanasan ng ilang mga customer sa mga mataong lugar. Ngunit kami ay nananawagan sa lahat na huwag gumamit ng ilegal na signal repeaters dahil naaapektuhan nito ang ibang mga mobile users sa kanilang paligid. Dahil dito, hindi nila napapakinabangan ang mga benepisyo ng connectivity," pahayag ni Joel Agustin, Globe SVP at Head ng Network Planning and Engineering.

Balitang Pag-Ibig

National Boyfriend Day? Ilang viral wedding proposals na inulan ng Sana-all!

Ang pagbebenta, pagbili, pag-import, pagmamay-ari o paggamit ng portable cellular mobile repeaters at cell site equipment ay ipinagbabawal sa ilalim ng Memorandum Order No. 01-02-2013 ng NTC, alinsunod sa Public Telecommunications Policy Act.

Sa ilalim ng 2013 memo, tanging mga lisensyadong mobile network operators at mga ahensya ng gobyerno na may tungkuling may kinalaman sa national defense at security ang pinapayagang bumili, mag-import, mag-may-ari, at gumamit ng signal boosters.

Kung may problema sa pagtawag o pagpapadala ng SMS, maaaring gamitin ang Voice Over WiFi (VOWiFi) sa halip na bumili ng signal boosters,

Ang VOWiFi ay isang teknolohiya kung saan maaaring gamitin ang WiFi connection sa pagtawag. Walang karagdagang bayad sa paggamit ng serbisyong ito.

Para magamit ang VoWiFi, kailangan ng WiFi connection at isang device na may WiFi Calling capability. Pumunta lamang sa connectivity settings ng iyong mobile phone at i-activate ang "WiFi Calling." Maaaring tingnan kung ang iyong device ay may ganitong feature sa pamamagitan ng listahang ito.

"Nananawagan kami sa aming mga customer na suportahan ang fair signal distribution at tulungan ang Globe sa pagsulong sa digitalisasyon kasama ang lahat, walang dapat maiwan," sabi ni Agustin.

 Patuloy na pinalalawak ng Globe ang abot at kapasidad nito para mapabuti ang serbisyo sa mga customer.  Katunayan, sa unang tatlong buwan ng 2024, mayroon nang naitayong 116 bagong cell sites at nakapag-upgrade na ng 812 mobile sites.

Ang coverage ng 5G ay patuloy ding lumalawak. Mayroong 27 bagong 5G deployments ang Globe mula Enero hanggang Marso ng taong ito. Ang kasalukuyang 5G outdoor coverage ng Globe ay umabot na sa 98.35% sa National Capital Region (NCR) at 92.86% sa mga pangunahing lungsod sa Visayas at Mindanao sa parehong panahon.

Ang network ng Globe ay nakarating na rin sa mahigit 500 Geographically Isolated and Disadvantaged Areas (GIDAs), na nagbibigay sa mga komunidad sa malalayong lugar ng access sa mga serbisyong magpapaganda sa kanilang buhay.

Sa nakalipas na tatlong taon, nakapaglaan na ang Globe ng Php265 bilyon para sa capital expenditures at Php236 bilyon para sa operational expenses upang mapalawak at mapahusay ang kakayahan ng network nito.

Itinutulak din ng kumpanya ang reporma sa batas para sa patuloy ng paglawak at pagpapaganda ng network services sa bansa, kabilang ang pag-alis ng lease fees sa mga telco facilities sa mga gusali, malls at iba pang real property development, at ang pagbibigay ng espasyo para sa telco infrastructure sa mga townships at developments.

Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa Globe, bisitahin ang https://www.globe.com.ph/.