October 06, 2024

Home FEATURES Balitang Pag-Ibig

Babaeng nag-move on lang sa Siargao at nakabingwit daw ng afam, nagsalita na

Babaeng nag-move on lang sa Siargao at nakabingwit daw ng afam, nagsalita na
Photo courtesy: Marnie Hollie (FB)

Naglabas na ng paglilinaw ang babaeng nag-viral matapos daw na mag-move on sa Siargao pero nakatagpo ng isang bagong pag-ibig mula sa isang dayuhang nakilala niya roon.

Kumalat sa iba't ibang social media pages ang mga larawan nila habang sweet na sweet sa isa't isa.

Subalit ayon mismo sa babae na si "Marnie Hollie," walang katotohanan ang mga kumakalat na memes patungkol sa kaniya, dahil ang totoo niyan, asawa niya ang dayuhang kasama na si TJ Hollie," ayon na rin sa kaniyang Facebook post at panayam ng Balita.

"A page recently shared our photos from 2019 when we visited Siargao for a holiday and it got some attention for the 3rd or 4th time," saad niya.

Balitang Pag-Ibig

National Boyfriend Day? Ilang viral wedding proposals na inulan ng Sana-all!

Ayon kay Marnie, nagkakilala sila ni TJ sa isang dating app noong 2016. Ikinasal naman sila noong 2019. Lalong hindi rin totoo na nagmo-move on siya sa heartbreak dahil masayang-masaya raw ang pagsasama nila ng asawa.

"Just to clarify, Tj and I met online (Skout) in 2016. I was already an immigrant here (since 2011). He proposed in November 2018 and we went on a holiday trip to the Philippines December 2018. We had a civil wedding in March 2019 here in the US and we got married again in the Philippines last year (August 2023). Lastly we are now expecting a baby girl in October 2024

I wasn’t moving on from a heartbreak."

"We were just simply enjoying our vacation and decided to visit Siargao. He was already my fiancé then and now my husband. Stop making up stories just to get attention," aniya pa.

Dagdag pa niya, "Mas pogi naman ang Tj ko sa mga afam sa Siargao! Haha."

Kaya naman, napa-sana all na lang ulit ang mga netizen at tila balak na rin nilang mag-download at gumamit ng dating app para makatagpo na nila ang forever na foreigner.