January 22, 2025

Home BALITA National

4.5-magnitude na lindol, yumanig sa Davao Occidental

4.5-magnitude na lindol, yumanig sa Davao Occidental
Courtesy: Phivolcs/FB

Yumanig ang isang magnitude 4.5 na lindol sa probinsya ng Davao Occidental nitong Lunes ng umaga, Hulyo 8, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Sa ulat ng Phivolcs, nangyari ang lindol na tectonic ang pinagmulan dakong 8:50 ng umaga.

Namataan ang epicenter nito 293 kilometro ang layo sa timog-silangan ng Sarangani Island sa Sarangani, Davao Occidental, na may lalim na 10 kilometro.

Wala namang inaasahan ang Phivolcs na posibleng aftershocks ng lindol.

National

PH History, ibabalik na bilang subject sa high school?

Hindi rin daw inaasahang magdudulot ng pinsala ang naturang pagyanig.