October 06, 2024

Home FEATURES Balitang Pag-Ibig

'23 decades with you' post ng lalaki sa jowa niya, kinaaliwan

'23 decades with you' post ng lalaki sa jowa niya, kinaaliwan
Photo courtesy: Carl Shem J. Lavalle (FB)

Naaliw ang mga netizen sa isang viral Facebook display photo ng isang lalaki kasama ang kaniyang girlfriend dahil sa nakalagay na caption dito.

Saad kasi sa caption ng larawan, "23 decades with you."

Natawa ang mga netizen dahil tinalo pa raw nila si dating senador Juan Ponce Enrile sa tagal nilang magkasama.

O kaya naman daw, baka 1 year old pa lang daw ay mag-jowa na sila, dahil ang isang dekada ay katumbas ng 10 taon, at ang 10 dekada naman ay katumbas ng isang siglo o century.

Balitang Pag-Ibig

National Boyfriend Day? Ilang viral wedding proposals na inulan ng Sana-all!

Pero mukhang aliw din ang nabanggit na netizen sa mga pandodogshow ng tao dahil kahit Hunyo 27 pa na-post ang larawan ay hindi pa rin niya ito binubura o ineedit.

Ilan sa mga reaksiyon at komento:

"Panahon pa yata ng mga Espanyol mag-jowa na kayo."

"Mga imortal hahahaha."

"Hahahahaha grabe ang tagal nyo talo nyo pa yung mga matitibay na mag-asawa."

Samantala, sa comment section ay sinabi ni "Carl" na huwag naman siyang "ibush (i-bash)."

Habang isinusulat ang artikulong ito ay umabot na sa 83k laugh reactions, 44k shares, at 6.8k comments ang nabanggit na viral post.