November 23, 2024

Home FEATURES Human-Interest

Kilalanin si Kapitan Ligtas! Dengue fighter app, inilunsad ng Manila LGU

Kilalanin si Kapitan Ligtas! Dengue fighter app, inilunsad ng Manila LGU
photo courtesy: Jerry Tan via Manila Bulletin

Inaanyayahan ni Manila Mayor Honey Lacuna ang lahat ng residente ng Maynila na i-download ang kanilang mobile game na "Kapitan Ligtas: Dengue Fighter" sa kanilang cellphones.

Ayon sa alkalde, ang naturang mobile game ay maaaring i-download via Google/play store ng libre. Nabatid na si Kapitan Ligtas ay ang mascot ng MHD na nagtuturo sa mga residente kung paano iwasan ang mga sakit at kung ano ang gagawin kapag may sakit.     

Ang laro ay ipinakilala ni MHD chief Dr. Arnold 'Poks' Pangan upang makuha ang atensyon ng mga mamamayan ng Maynila lalo na ng mga kabataan.     

Ayon kay Pangan, sa kasalukuyan ay available na ang App sa android phones at inaasahang sa mga susunod na Linggo ay available na rin ito sa IPhones.    

Human-Interest

Color code sa shopping basket 'pag namimili sa dept. store, bet ng Pinoy netizens

"Samahan ninyo si 'Kapitan Ligtas' sa sukdulang labanan laban sa dengue. Pinagsasama ng kapana-panabik na offline na larong ito ang puno ng aksyon na 'gameplay' na may mahalagang pang-edukasyon na nilalaman upang matulungan kang matutunan kung paano pigilan ang pagkalat ng dengue,"  saad ni Pangan.     

Ayon naman kay Lacuna, ang idea ng pagsasalin sa isang laro ng "Kapitan Ligtas" ay dahil halos lahat ng Filipinos ay nakatutok ng buong araw sa celphone. At dahil tag-ulan na, inaasahan ang pagtaas ng kaso ng dengue.      

Idinagdag pa nito na dinisenyo ang laro para makuha ang interes ng publiko lalo na ng mga kabataan na prone sa dengue dahil sa hindi sinasadyang kapabayaan.    

 "Apart from being enjoyable, the mobile game teaches the player about dengue and how to repel the mosquitoes that bring about the dreaded illness," aniya.  "Para rin po sa mga anak at apo kasi very educational ang laro o app na ito, kung saan makkita po kung paano nilalabanan ni Kapitan Ligtas ang lamok na may dalang dengue."