July 08, 2024

Home BALITA Metro

Napansing guwapo raw: Ilang netizens, bet 'magpadila' kay Boy Dila

Napansing guwapo raw: Ilang netizens, bet 'magpadila' kay Boy Dila
Photo courtesy: Lexter Castro/Boy Dila (FB)/Kyle Echarri (FB)

Matapos iharap ni San Juan City Mayor Francis Zamora si Lexter Castro alyas "Boy Dila" sa publiko matapos ang media conference, tila marami ang nakapansing may "hitsura" daw ang viral na lalaking nambasa sa isang rider habang nakadila, sa naganap na Wattah Wattah Festival sa San Juan City noong Hunyo 24.

Napansin ng mga netizen na "guwapo" raw si Castro kapag seryoso at hindi nakalabas ang dila.

May mga nagsabing akala raw nila ay si Kapamilya actor-singer Kyle Echarri ang nabanggit na lalaki.

May mga nagbiro ding gusto raw nilang "magpadila" sa kaniya.

Metro

Riot sa basketball championship sa Muntinlupa, iimbestigahan ni Mayor Biazon

Narito ang ilan sa mga reaksiyon at komento ng netizens:

"Magpakabait ka na at baka may kumuha pa sayo sa showbiz."

"In fairness guwapo siya ha, kaya pala may kumukuha sa kaniya ng 250 haha."

"Ako na lang dilaan mo hahaha chos."

"Hayan, sa susunod na vlogger na yan hahaha."

"Sa ibang bagay mo na lang gamitin dila mo hahahaha."

Samantala, may mga nagsabing netizen naman na huwag nang bigyan ng spotlight si Boy Dila para magtanda na ito. Baka kasi magkaroon pa raw ito ng ideya at pasukin na rin ang pagiging influencer o showbiz.

MAKI-BALITA: 'Good Dila na!' Boy Dila, nag-sorry na 'nasira' niya imahe ng San Juan City